^
Mommy Divine gustong ipabarkada ng netizens kay Mommy Pinty

Mommy Divine gustong ipabarkada ng netizens kay Mommy Pinty

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - March 2, 2020 - 12:00am

Nakakaaliw ang samu’t-saring reaksyon sa sikretong kasalang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Buo ang suporta ng forever fans ni Sarah sa pagiging misis ni Matteo.

Tinupad din ng Popstar ang lyrics sa kanyang kanta na Kilometro na kung saan ay may linya na “Gagawin ko ang lahat upang sa huli, sa huli, sa huli ay tayo. Kung kailangan kong tahakin ang kilome, kilome, kilometrong layo…”

Sa kabila ng isyu nina Sarah at Mommy Divine ay wish pa rin ng lahat na magkaroon ng divine union ang dalawa, para raw pag idinaos na ang public ceremony na gustong masaksihan ng lahat ay maayos at walang gulo.

Samantala, napagkatuwaan naman ng ilang netizen si Mommy Divine. Dapat daw siguro ay ipabarkada ito kay Mommy Pinty na nanay nina Alex at Toni Gonzaga na kilala rin sa pagiging istrikto. Pero si Mommy Pinty ay may konsiderasyon at hindi naman pinagbawalan ang dalawang anak sa pag-aasawa.

Dahil pinatunayan ni Sarah na love conquers all, request ng fans, sana raw ay mai-feature ang love story nila ni Matteo sa Maalaala Mo Kaya.

MOMMY DIVINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with