Bianca at Sen. Win ikakasal na?!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 9, 2020 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, kinulit-kulit ko kahapon si Wilson Lee Flores na columnist ng Philippine Star.

Inusisa ko sa kanya kung totoong may pa-presscon sa Kamuning Bakery si Senator Sherwin Gatchalian?

May nakapagbulong kasi sa akin na kasama si Sen. Win sa Pandesal Forum ng Kamuning Bakery.

Si Wilson ang owner ng nasabing oldest bakery in Quezon City.

“Dapat February 14, pero magiging February 20 na yata. Double-check ko ang tamang date,” sey ni Wilson.

So, sa nasabi bang presscon may announcement na ang nabanggit na senator tungkol sa tsikang malapit na itong magpakasal sa girlfriend na si Bianca Manalo?

Ang mga malalapit na kaibigan kasi ni Bianca ay nagsasabing malapit na ang kasal niya kay Sen. Win.

May naisip na ngang hashtag ang mga kaibigan ni Bianca kung sakaling magpapakasal na ang dalawa.

“Binibiro ko nga si Sen. Win noong isang araw, sabi ko kung may pa-announcement na ba na ikakasal sila ni Bianca, pero wala naman siyang sinabi. Tawa lang nang tawa,” sey ni Wilson.

Ay, naku, siguro it’s about time na na magsalita na nga si Sen. Win sa tsikang pakakasalan na niya si Bianca, huh!

Liza nag-aral gumawa ng pandesal

Sa tsikahan pa rin namin ni Wilson, naikuwento niya ‘yung pagti-training nina Liza Soberano  at Ian Veneracion sa pagawaan ng pandesal sa kanyang bakery.

Para sa Make It With You primetime tele­serye ng ABS-CBN ang training na ‘yon ng tatlo.

Bilib na bilib si Wilson kay Liza.

“Wala siyang kaere-ere. Ang bait-bait. Ang staff ko, paulit-ulit na nagpapa-picture kasi si Liza, pinagsasabihan ko na nga, pero si Liza, ok lang sa kanya. Palagi siyang nakangiti. Napakabait!” kuwento ni Wilson.

Bilib din daw si Wilson kay Liza dahil hindi shortcut ang training na ginawa ng girlfriend ni Enrique Gil sa pagbi-bake ng tinapay.

Lahat daw ng steps, ginawa ni Liza.

“Siya rin ang naglagay sa loob ng pugon at nang maluto, siya rin ang kumuha. Kahit mabigat ang tray dahil puno ng pandesal, siya ang gumawa.

“Hindi siya nagpa-assist. Ang galing. Talagang dedicated, kaya bumilib kami kay Liza,” ang sobrang puri ni Wilson sa dalaga.

Humirit pa si Wilson ng, “Saka wala siyang make-up nang mag-training. Pero ang ganda-ganda niya.

“Mas maganda pa si Liza na walang make-up,” dagdag pang puri ni Wilson sa star ng Make It With You.

Naku, Wilson, sa sobrang puri mo kay Liza, sana naman nanonood ka ng primetime series nila sa Dos lalo na at kasama rin doon si Eddie Gutierrez na sabi mo ay favorite veteran actor mo, huh!

‘Yun na!

WILSON LEE FLORES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with