^
Janella at Joshua ayaw tantanan ng fans!
Janella at Joshua

Janella at Joshua ayaw tantanan ng fans!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - February 5, 2020 - 12:00am

Kinikilig ang fans ni Janella Salvador sa bago nitong single na Blanko na hanggang ngayon ay tinutukso kay Joshua Garcia.

Saktung-sakto kasi ang lyrics nito para sa kanilang dalawa. Bagama’t nilinaw na ng binatang actor na gusto lang niyang i-keep ang relasyon nilang dalawa ni Janella bilang magkaibigan pero hindi pa rin sumusuko ang fans ng dalawa na paglapitin sila.

Sobrang ganda pa rin ng boses ni Janella sa kanyang kanta, at siyempre, kung may single, meron ding music video. At ito ang inaabangan nila, dahil baka raw si Joshua uli ang katambal niya.

Huling napanood ang dalawa sa The Killer Bride na pinagbidahan ni Maja Salvador.

Noong una ay maraming nagtaas ng kilay sa kanilang tambalan dahil kakahiwalay pa lang noon ng JoshLia na tambalan naman nina Joshua at Julia Barretto.

Ang huling nakatambal ni Janella bago si Joshua ay si Elmo Magalona.

Naghiwalay ang dalawa dahil sa isyung pananakit daw ng huli sa aktres.

Sa paglipas ng mga eksena sa The Killer… unti-unti na ring nakita ng mga manonood ang chemistry ng JoshNella hanggang sa parang nauwi na nga ito sa seryosohan, at ngayon ay looking forward ang kanilang mga tagahanga sa susunod na mangyayari sa kanilang tambalan.

JANELLA SALVADOR JOSHUA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with