^

Pang Movies

Aicelle handa sa reunion ng La Diva

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Aicelle handa sa reunion ng La Diva
Aicelle

Wala raw problema kay Aicelle Santos kung sakaling magkaroon ng reunion concert ang trio na kinabibilangan niya noon na La Diva kunsaan kasama niya sina Jonalyn Viray at Maricris Garcia.

Na-disband ang La Diva noong 2015 dahil sa hangad ni Jonalyn na magkaroon ng solo career. Noong 2016 ay lumipat na siya sa ABS-CBN 2.

Matagal na raw na hindi nakakasama ni Aicelle si Jonalyn at maging si Maricris. Pero isang magandang idea raw na muli silang magsama-sama ulit sa entablado.

“Well, that’s a dream. I mean, if magkakaroon ng pagkakataon, it would be nice.

“May kanya-kanya na rin kaming mga buhay ngayon. I’m sure that everyone is curious kung ano na ba yung tunog nila together? Ako rin naman, iniisip ko kung okey pa ba ang harmony namin?” ngiti pa ni Aicelle.

Masaya naman daw si Aicelle sa mga ginagawa ngayon nila Jonalyn at Maricris.

“I’m very happy kung nasaan ‘yong bawa’t isa sa amin.

“We’re all doing good sa mga napili naming gawin and that’s what’s important, ‘di ba?”

Bukod sa paglabas every Sunday sa All-Out Sundays, naghahanda rin si Aicelle para sa pre-Valentine show nila nina Christian Bautista at Mark Bautista na 1 For 3 on February 1 sa The Theater sa Solaire.

Rayver same level ang lungkot sa pagpanaw ni Kobe at Nanay  

Mukhang hindi pa rin maka-move on si Rayver Cruz sa pagpanaw ng kanyang basketball idol na si Kobe Bryant.

Nabanggit nga ni Rayver na maikukumpara niya ang lungkot na naramdaman niya kay Kobe noong pumanaw ang kanyang ina last year. Ganun daw kasi niyang minahal ang kanyang iniidolong basketball star.

Agad na nag-offer ng comfort ang kanyang Kuya Rodjun(Cruz) na saksi sa pagiging super fan ni Rayver kay Kobe Bryant.

Naging mahusay na basketball player nga raw si Rayver dahil sa paghanga nito kay Kobe.

“Akap ng mahigpit Brother! Love you. Alam ko kung gaano mo Ka Idol at mahal si @kobebryant. Halos lahat ng mga Jersey mo sa mga Basketball Games mo number 24 ka at pati mga shoes niya nagcollect Ka. Kaya mo minahal ang Basketball dahil sa kanya. Pinagbutihan mo at ang laki talaga ng ginaling mo sa Basketball dahil Inspired ka talaga Kay Kobe. Parehas kayong Mamba Mentality! Legend siya Forever.”

Miley Cyrus at Liam Hemsworth officially single na uli 

Officially divorced na sina Miley Cyrus at Liam Hemsworth.

Pinirmahan na ng judge ang finalization ng divorce proceedings nila noong nakaraang January 28.

Nasa Australia ngayon si Liam at ang kanyang lawyer na si Laura Wasser ang nag-represent sa kanya sa korte.

Ayon sa source ng E! News: “Its a relief for both of them that they can move on legally from one another and fully put this behind them. It was not a complicated divorce because of their prenup and it was all handled by attorneys. Their earnings were kept separate while they were married and that was helpful. They are both very much ready to move on and untangle whatever affairs were left to figure out. They are happy to close this chapter of their lives.”

Nag-file ng divorce si Liam noong August 2019 after less than a year na kasal sila ni Miley.

Ang reason ng kanilang divorce ay “irreconcilable differences”.

Kapwa na-link sa iba’t ibang tao sina Miley at Liam bago pa man sila ma-divorce. Na-link si Miley kay Kaitlynn Carter at Cody Simpson. Si Liam naman ay na-link kina Maddison Brown at Gabriella Brooks.

Magiging officially single sina Miley at Liam on February 22, 2020. 

vuukle comment

AICELLE SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with