^

Pang Movies

Scarlet, Tali, Zia at Ziggy ramdam na next gen ng showbiz

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Scarlet, Tali, Zia at Ziggy ramdam na next gen ng showbiz
Scarlet

Nakakatuwa talaga na makita ang mga bata tulad nina Scarlet Snow Belo, Tali Sotto, Zia at Ziggy Dantes na parang happy sa mga ginagawa nila Salve.

Ang cute ng mga commercial nina Scarlet at Zia na parang mga dalaga kung kumilos at si Tali na kitang-kita na basking sa overflowing love sa kanya nina Vic at Pauleen Sotto.

Sobrang pogi naman si Ziggy, ang unico hijo nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Sa nakikita ko na interes sa kanila ng publiko, sila na ang next generation ng mga star dahil tuwang-tuwang ang mga tao sa mga billboard at videos ng mga bagets. Bongga!

Sunud-sunod na kalamidad parang sinusubukan na ang mundo!

Devastating talaga ang mga nangyayari sa paligid dahil katatapos lang ng mga bagyo, sunog at lindol, biglang nag-erupt ang Taal Volcano.

Salamat na lang dahil dinala ng hangin sa ibang mga lugar ang ashfall pero grabe pala ang destruction na nangyari sa mga kalapit-bayan ng Taal.

Nasira ang mga pananim, bumagsak ang mga puno at maraming pamilya ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa hindi inaasahan na pagputok ng Taal Volcano.

At ang nakakatakot, hindi pa full blown na pagsabog ang nangyari as in mga pagkulo pa lang ng bulkan ang naramdaman at nasaksihan natin. Baka mas matindi ang maging destruction kapag talagang sumabog na ang Taal Volcano.

God forbids pero hindi ba parang sunud-sunod na catastrophe ang nagaganap sa ating paligid? Parang testing the world of how they can take it all?

Ilang buwan na ang bushfires sa Australia, ang pagbagsak ng plane dahil nag- miscalculate ang missile ng Iran at ang damage ng climate change kaya may unusual happenings around us. God help us. Mama Mary pray for us.

Dasal kailangan...

Hindi natuloy ang thanksgiving presscon kahapon ni Senator Bong Revilla dahil sa pagsabog ng Taal Volcano.

Agad na ipina-postpone ni Bong ang event na pinakahihintay ng entertainment press nang malaman niya na pumutok ang bulkan na tanaw na tanaw mula sa Tagaytay City.

Samantala, parang mga eksena sa pelikula ang evacuation ng mga kababayan natin sa Talisay, Batangas na isa sa mga pinaka-apektado ng pagsabog ng Taal Volcano.

Halos hindi na sila makilala dahil nababalot ng ashfall ang kanilang mga mukha at buong katawan. Makapal din ang ashfall na naging putik dahil sa buhos ng ulan kaya hirap ang mga sasakyan na makadaan sa mga kalsada.

International news ang pagsabog ng Taal Volcano dahil affected din ang mga dayuhan na hindi nakasakay sa mga eroplano bilang cancelled ang lahat ng mga domestic at international flight.

Matindi at taimtim na dasal ang dapat gawin ng lahat para hindi na lumaki pa ang perwisyo na dala ng Taal Volcano eruption.

vuukle comment

SCARLET SNOW BELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with