^
LizQuen na-miss ng viewers
LizQuen

LizQuen na-miss ng viewers

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - January 6, 2020 - 12:00am

Perfect choice ang ginawa ng ABS-CBN sa pagkuha ng bandang Ben&Ben para kantahin ang official theme song ng bagong serye ng LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil na Make It With You.

Ang Make It With You ay orihinal na kanta ng grupong Bread na sumikat noong 1970, na ngayon ay ginawan ng remake ng Ben&Ben.

Matagal-tagal ding hindi napanood sa small screen ang LizQuen kaya naman pinanabikan agad ang gagawin nilang ito na kinunan pa sa bansang Croatia. Ang akala nga ng marami ay pelikula ito dahil sa maganda nitong graphics at location. Pati ang mga hitsura nila ay binago para magmukhang taga-roon sila.

Mula sa direksyon ni Direk Cathy Garcia-Molina ang nasabing serye, na siya ring nagdirek sa mga sumikat na pelikula ng KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na The Hows Of Us at Hello, Love, Goodbye nina Kathryn at Alden Ri­chards, kaya inaasahan na maganda ang kalalabasan nito.

Samantala, masayang-masaya naman ang Ben&Ben dahil dumadalas na ang paglabas nila sa mga pelikula. Huli silang napanood sa pelikulang LSS (Last Song Syndrome) nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Huli namang napanood ang LizQuen sa pelikulang Alone/Together at sa seryeng Bagani.

ENRIQUE GIL LIZA SOBERANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with