^

Suklay Diva nagpaiyak sa pelikula

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - December 31, 2019 - 12:00am

Dahil trending ngayon ang Metro Manila Film Festival 2019 at ang mga pelikulang kasali rito, kung saan kalahok din ang Miracle In Cell No. 7 nina Aga Muhlach, Xia Vigor at Bela Padilla, tinatanong ng fans kung sino raw ba ang singer ng theme song ng nasabing pelikula.

Makapanindig balahibo kasi ang pagkaka-awit ni Suklay Diva na si Katrina Velarde sa kantang Isang Himala na official soundtrack ng Miracle…

As of this writing, meron nang 100k views ang music vi­deo nito na inilabas ng Viva Records.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Katrina dahil siya ang napiling kumanta ng OST ng Miracle…, lalo pa ngayon at usap-usapan ng lahat na maganda at malakas ang hatak nito sa takilya. Ibinuhos niya raw lahat ng kanyang emosyon habang kumakanta kaya naman damang-dama rin ng audience ang sakit nang magkahiwalay ang mag-amang Joselito at Yesha sa pelikula.

Hiling ng fans ni Katrina, bigyan pa sana siya uli ng marami pang projects sa Bagong Taon para mas madalas na rin siyang mapanood.

BELA PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with