^
Sarah may nilulutong bagong âTalaâ
Sarah

Sarah may nilulutong bagong ‘Tala’

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - December 29, 2019 - 12:00am

Kahit apat na taon na ang nakakalipas, sikat na sikat pa rin at super trending ngayon ang kanta ni Popstar Royalty Sarah Geronimo na Tala. Naging dance craze na ito at madalas pa na gawing challenge.

Bentang-benta ito sa millennials, lalo na sa mga beki.

Kilala si Sarah G. na bukod sa pagkanta, ay magaling ding sumayaw.

Sa ngayon, ang music video ng Tala na ini-upload ng Viva Records ay meron nang mahigit 22 million views.

Samantala, usap-usapan na ang pagpapakasal nila ng boyfriend na si Matteo Guidicelli sa 2020, kasabay rin nito ang balitang may lalabas na namang single si Sarah G. na bagong magte-trending, kaya naman nape-pressure na ngayon pa lang ang G-Force na kasa-kasama palagi ni Sarah sa mga sayawan.

Ano nga kaya ang mauuna? Kasal o ang bagong single.

SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with