_pang-masa
^

The Best ng KMJS, mapapanood ngayong Linggo

(Pang-masa) - December 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ngayong Linggo (December 22), samahan si Jessica Soho na balikan ang mga kuwentong trending, viral, at talaga namang tumatak sa mga manunood ngayong 2019 sa two-part special na The Best of Kapuso Mo, Jessica Soho!

Ang dating tindera sa palengke ng Tondo, napaaga ngayon ang aguinaldo dahil sa pagtama ng milyon-milyong piso sa lotto. Ang dati namang basagulero, nagdesisyong mag-bagong buhay, ngayon nakapag-ipon na at umasenso.

Sa mga malalamig naman ang Pasko, tiyak mai-inspire sa nakakakilig na kuwento ng dalawang millennials na na-in love sa isa’t isa dahil sa Role Playing Games. Ang mag-asawa naman mula sa Quezon, tinupad ang sumpang mahalin ang isa’t isa, kahit maputi na ang buhok nila.

Babalikan din ni Jessica ang kanyang panayam sa isa sa mga big newsmaker ng taong ito na si Manila Mayor Isko Moreno, at marami pang iba.

Huwag palampasin ang iba pang pampa-good vibes na kuwento sa The Best of Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong December 22 at 29, 8:40 p.m., sa GMA-7.

JESSICA SOHO KAPUSO MO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with