^

Pang Movies

Julie Anne nadidiskubre na ang husay sa pagho-host!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Julie Anne nadidiskubre na ang husay sa pagho-host!
Julie Anne

Bongga si Julie Anne San Jose dahil siya ang new endorser ng Lee Jeans.

Nakita nang marami how Julie Anne is growing up to be a very fashionable, smart and avant garde lady.

Very sexy ang appeal niya na laging nakikita ng mga nanonood ng The Clash. At habang tumatagal, lumilitaw ang confidence ni Julie Anne sa kanyang mga kilos at pagsasalita kaya mahusay na siya na television host.

Added premium kay Julie Anne ang maganda na palitan nila ni Christian Bautista ng banter.

Gusto ko naman na marinig ang collaboration  nina Julie Anne at Mark Bautista dahil pareho sila na very soulful ang boses.

Kapag tumagal pa ang exposure ni Julie Anne, tiyak na lilitaw ang niche na para sa kanya dahil magaan niya na nagawa ang  hosting job sa The Clash na dating trabaho ni Regine Velasquez.

Ngayong nagsisimula na ang pagiging fashion model at endorser ni Julie Anne, tuluy-tuloy na ang lahat para sa kanya.

Perfect si Julie Anne for Lee Jeans. Perfect fit.

Hollywood actor na si Matt Damon nakapuslit ng bakasyon!

Naloka ang Pinoy fans ni Matt Damon nang malaman nila na bumisita sa Pilipinas ang sikat na Hollywood actor.

Nagtataka ang fans dahil nakaligtas sa matalas na pang-amoy ng media ang pagdating ni Matt sa Pilipinas at dalawang araw na pananatili sa Tagaytay Highlands.

Kung hindi pa nag-post sa Twitter ang isang kamag-anak ni Chris Tiu tungkol sa Philippine vacation ni Matt, hindi malalaman ng mga Pilipino ang brief visit ng aktor sa ating bansa.

Sa totoo lang, isa si Matt sa mga favorite Hollywood actor ko. Mas type ko pa nga siya kesa kay Leonardo diCaprio noong panahon na sikat na sikat sila.

Actually, maraming sikat na international celebrity ang bumibisita sa Pilipinas pero secret ang kanilang pagdating.

Sa mga Korean actor nga lang, marami ang nagbabakasyon sa ating bansa at lihim na lihim ang arrival nila para hindi sila pagkaguluhan ng fans.

Nalalaman na lang ang pagpunta nila sa Pilipinas kapag nakabalik na sila sa kanilang bansa at kapag nag-post na sila sa social media.

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with