Dyowa ni Karla mabilis nagustuhan ni Daniel
Daniel
Dyowa ni Karla mabilis nagustuhan ni Daniel
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - November 28, 2019 - 12:00am

Obvious ang happiness ni Karla Estrada nang finally ay maipakilala niya on TV ang pinakabago niyang boyfriend na nagngangalang Jam Ignacio. First time rin ‘yun na may ipakilala siyang lalaki sa mga manonood ng TV.

At siguro nga ay mabait ito na gaya ng sabi ni Karla dahil mabilis itong magustuhan hindi lamang mga kaibigan niya kundi maging ng mga anak niya, maging ang sikat na si Daniel Padilla. But then DJ only wishes for the happiness of his mom, and unless may makita siyang hindi magandang pakikitungo nito kay Karla, he will always be a friend of her mom’s boyfriend.

Enchong at Jasmine, magtatambal sa pelikula

Kahit pautay-utay, umaarangkada ang karera nina Enchong Dee at Jasmine Curtis-Smith. Lalo na si Jasmine na hindi pinababayaan ni direk Paul Soriano at ng produksyon nitong 1017 Films. May movie silang magkasama. Inaasahang kakikitaan sila ng chemistry dahil pareho naman silang mahusay na artista. Kung si direk Paul, nakitaan sila ng chemistry, bakit hindi naman ng mga manonood?

Bela hindi nakayang magpakita ng puwet

Hindi pa keri ni Bela Padilla ng butt exposure kaya sa isang shower scene niya sa pelikulang Manañita ay gumamit siya ng double. Kumuha si direk Paul Soriano ng ilang double para gumanap ng nasabing eksena niya. Inamin ng magaling na aktres na baka mapag-aralan din  niya ang gumanap sa ganitong eksena pero, sa ngayon ayaw niya.

TV5 balik-entertainment na

Na-realize na finally ng TV5 ang kahalagahan ng entertainment values ng isang network, na hindi ito maaaring mabuhay ng mga puro balita lamang, sports at government news lamang, kailangan talaga ng mga pampasigla para malubos ang panonood ng tao. Kaya binuhay muli ng TV5 CEO at Cignal president Jane Basas ang kanilang mga entertainment program sa tulong ng isa nilang dating ehekutibo na may-ari na ng isang matagumpay na kumpanya ng pelikula, ang IdeaFirst na si G. Perci Intalan. Lahat ay umaasam na maibababalik ni G. Intalan ang sigla sa TV5.

KARLA ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with