Alden
Mga nanood ng EB sa Dubai nag-fiesta nang makitang buo ang AlDUb
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 21, 2019 - 12:00am

Lucky ang mga nanood ng Eat Bulaga sa Dubai dahil nakita nila na buo ang mga barkada. Nagkasama uli sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Dubai show ng Eat Bulaga.

Hindi nagtutugma sa Pilipinas ang schedule nina Alden at Maine kaya minsan, absent sila sa Eat Bulaga.

Tuwang-tuwa ang mga Pilipino sa Dubai sa ginanap na Eat Bulaga dahil sa reunion nina Maine at Alden na matagal na nilang dream na makita nang personal.

Kaloka nga ang balita na nakarating sa akin na maraming kurot ang natanggap ni Alden mula sa nanggigil na fans pero okey lang sa kanya basta masaya ang mga taga-hanga niya.

AiAi na-stress nang sumakay sa eroplanong pinaipad ng mister

Fifth year na pala ni AiAi delas Alas bilang endorser ng Hobe Quick Cook noodles dahil sa tiwala sa kanya ng Hobe owner na si Bobby Co.

I’m sure, nag-enjoy si Sir Bobby sa event kahapon. Ang saya-saya ng renewal contract signing ni AiAi dahil puro kagagahan ang mga tanong na sinasagot niya.

Karay-karay pa ni AiAi sa presscon si Tombi Romulo, ang tomboyitang contestant ng The Clash na naligwak noong Linggo.

Walang kadala-dala si AiAi dahil type niya na i-manage ang singing career ni Tombi.

In fairness, magaling na singer si Tombi na nakakaloka rin dahil sa kanyang tsismis na dyutay o hindi well-endowed ang dalawang mhin na kasamahan niya sa The Clash.

Samantala, si Sir Bobby Co pa ang nag-remind sa akin na inaanak namin sa kasal ang mag-asawang AiAi Delas Alas at Gerald Sibayan.

Kami raw ang partners sa wedding march na hindi ko na masyadong matandaan bilang senior citizen na ako.

Nagkuwento rin si AiAi kahapon tungkol sa pagsakay niya, for the first time, sa eroplano na pinalipad ng kanyang mister na si Gerald.

Sobrang stress ang naramdaman ni AiAi kaya panay ang kanyang dasal at pahid ng Tiger balm oil sa noon niya.

Mahusay na si Gerald na magpalipad ng eroplano kaya wala nang dapat ika-worry si AiAi. Ang mag-apply bilang commercial plane pilot ang next plan ni Gerald na isang ideal at responsible husband.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with