Nora masusubukan uli sa remake ng Bilangin...
Nora
Nora masusubukan uli sa remake ng Bilangin...
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - November 20, 2019 - 12:00am

Mayroon na namang isang teleserye na gagawin si Nora Aunor sa GMA 7. Huli siyang napanood sa nasabing istasyon sa Onanay with Cherie Gil, Mikey Quintos, Kate Valdez at Jo Berry. 

Isang remake ng Bilangin ang Bituin sa Langit ang gagawin ng Superstar. Sa pelikulang ito nag-grandslam winner si Nora dahil nag-Best Actress siya sa Famas, FAP, Star Awards at Gawad Urian sa iisang taon. Mapupunan nito ang ginawang pang-iisnab sa kanyang pelikulang May Isa Pang Bahaghari ng Metro Manila Film Festival 2019.

Rhen hindi kinayang panoorin ang sariling pelikula

Marami ang nagsasabi na tatabo rin ang pelikulang Adan tungkol sa lesbianism. Katulad ng kumikita ngayong milyun-milyon sa takilya na The Annulment na sinasabing tumipak ng husto dahil sa katapangan ng mga gumanap sa mga maseselang eksena na sina Joem Bascon at Lovi Poe, matapang din sa Adan sina Rhen Escano at Cindy Miranda dahil may mga maiinit din silang mga eksena na nagawa man nila pero sa preem ng movie ay hindi nakayang panoorin  ni Rein kaya nilayasan niya ang movie. 

Kathryn tuloy ang pag-angat

Katotong Ed de Leon, huwag namang pahabaan ng termino at patagalan sa industriya ang gawin mong basehan para mai-level natin ang kabataang aktres na si Kathryn Bernardo kina Vilma Santos at Sharon Cuneta. Malayo na ang naabot ng dalawa. At marahil wala sa plano ng mas nakakabatang aktres na ma-level siya sa dalawa.

Kailangan pa  niya ng panahon  para magawa ito at mapatunayan ang kanyang kakayahan at halaga sa industriya. Unfair nga na maikumpara siya sa dalawa pero, huwag kang tututol kapag sinabi kong paunti-unti siyang gumagalaw paitaas. Without even trying to,  baka masilat niya sila. Bigyan mo naman siya ng pagkakataon.

Joseph at Ritz dumarami ang projects na magkasama

Mukhang dumarami ang projects na magkasama nina Joseph Marco at Ritz Azul. Katatapos lamang nila sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya. Bago ito nagkasama sila sa Los Bastardos. Ngayon naman ay nasa Japan sila para sa isang horror movie ng Regal. Taken na si Ritz samantalang single naman si Joseph.

NORA AUNOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with