Alexa at Sharlene tuloy ang away
Alexa
Alexa at Sharlene tuloy ang away
VEROFIED - Veronica Samio (Philstar.com) - November 19, 2019 - 12:00am

Sayang, at sa pagpapatuloy ng away nina Alexa Ilacad at Sharlene San Pedro ay mukhang mas lumalayo pa ang pag-asa na magkasundo sila at magkabalikan bilang friends. Kung ano talaga ang sentro ng away nila ay tila hindi naman ang “bullying” na bintang ni Alexa kay Sharlene, baka naman mas may iba pang mas malalim na dahilan. Yung “bullying” does not happen between friends, only among enemies. Paano ka naman ibu-bully ng isang kaibigan? You can just easily fight back kundi mo man siya kumprontahin.

At bakit ngayon lamang ito lumabas, kung kailan may iba nang isyu ang involved?

Finalists ng The Clash masusubukan

Sa pagkakapili ng 10 finalists sa The Clash, sa halip na maging mas mahirap pa ang laban ng 10 ay parang napadali pa ang labanan. Mahirap kasi ‘yung naunang duet part dahil hindi naman sila dating magka-duet, first time nilang pinakanta ng magkasama. Siyempre magkakaroon ng problema sa blending at chemistry.

Masusukat na naman ang galing nina Aljon Gutierrez, Nef Medina, Clark Serafin, Lorraine Galvez, Janina Gonzales, Sassa Dagdag, Thea Astley, Antonette Tismo, Jennifer Maravilla at Jeremiah Tiangco.

Ice, concert director na rin

Pati pagdidirek ng concert ay pinasok na rin ni Ice Seguerra. Siya ang magsisilbing stage director sa magaganap na concert ni Juris Fernandez sa December 14, sa Newport Performing Arts Center. Bago ito ay mayro’ng sariling concert si Ice kasama naman si Noel Cabangon, ang Kwerdas sa Nov. 23.

Maricel at Regine sanay nang mag-ninang

Welcome kay Maricel Soriano na mag-ninang sa kasal nina Angel Locsin at Neil Arce. Nagkalapit ng husto ang dalawang aktres nang magkasama sila sa seryeng The General’s Daughter.

Gusto lang siguro nilang mas paglapitin pa ang kanilang friendship.

Ninang sa kasal din ang alok ni Regine Velazquez kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Kaso itong mga ninang ay baka uma­gaw pa ng mas malaking pansin sa mga ikakasal.

ALEXA ILACAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with