Karla inilantad ang BF sa kanyang birthday!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

Kahit puyat noong Wednesday, maaga pa rin kahapon sa airport si Karla Estrada at ang mga taga-Magandang Buhay ng ABS-CBN dahil nagpunta sila sa Antique.

Bale kukunan doon ang birthday episode ni Karla (November 21).

Why Antique? Mula pala sa Tacloban City, tumira muna siya roon ng isang taon bago nag-Maynila at pasukin ang showbiz.

So, according to their Magandang Buhay boss, si Ms. Jasmin Pallera, homecoming ‘yun ni Karla sa Antique after 30 years.

Sabi ni Jasmin nang makatsikahan ko kahapon, “Noon pa namin plinano ang Antique na ito, para nga sa birthday ni Karla. Hindi lang kami sure kung ilang episodes ang magagawa namin. Kasama rin namin dito sina Kalad Karen at DJ Jhai Ho.

“Actually, puyat kami dahil um-attend kami ng awarding.

“Isang maagang Pamasko! Magandang Buhay is Best Talk Show at the 41st Catholic Mass Media Awards! So pumunta muna kami sa GSIS Theater. Nandoon sina Karla at Jolina (Magdangal) to accept the award.

“Si Melai (Cantiveros), hindi na namin pinapunta dahil nilalagnat at kasama rin namin siya sa Antique,” sey ni Jasmine.

Hindi ko na nga pala inusisa pa si Jasmin kung kasama ba nila sa Antique ang boyfriend ni Karla na si Jam Ignacio na inamin na ng nanay ni Daniel Padilla sa episode ng Magandang Buhay noong Thursday.

Siyempre, ayoko namang maipit si Jasmin kay Karla, huh!

Pero, pero, pero, isa sa mga kasama roon ang nagbuking sa akin na kahit puyat si Karla noong Wednesday, super blooming siya kahapon at maganda ang mood dahil kasama niya sa Antique si Jam.

Ang bongga ni Karla!

Feeling ko lang, Ateng Salve, masisilayan si Jam sa birthday episode ni Karla sa Magandang Buhay.

Feel na feel ko na a-appear siya roon, kaya dapat abangan ng mga fan ang birthday episode ni Karla sa Magandang Buhay, huh!

Siyempre, wala sa Antique birthday episode ni Karla ang panganay na anak na si Daniel dahil nasa Rome, Italy ang aktor para sa ASAP Natin ‘To roon bukas.

Pero uuwi rin naman kaagad si Daniel, feeling ko ay may pa-party sila at magkikita roon ang aktor at ang boyfriend ng kanyang nanay.

Pero feeling ko pa at magkakilala na sina Daniel at Jam.

Imposible namang inamin na ni Karla ang pagkakaroon ng boyfriend kung hindi pa nami-meet ng kanyang mga anak si Jam, huh!

Balita ko nga pala ay happy ang friends ni Karla sa kanyang pagkakaroon ng love life!

Ang bongga!

Raymond hindi nakakalimutang mag-workout

Alam mo, Ateng Salve, kung itse-check ang Instagram account (@mond) ni Raymond Gutierrez, makikitang panay ang punta nila ng friends niya sa iba’t ibang restaurants sa New York City, pero walang dapat ipangamba ang mga fan niya na sobrang bilib sa pagiging very fit na niya at baka nga naman sa kakakain niya ngayon ay tumaba na naman siya.

Kahit kasi nasa bakasyon, hindi naman nagpapahinga sa pagdyi-gym si Raymond.

Sabi nga ni Raymond, he’s burning all the amazing food na kinain niya sa trip niya ngayon sa pamamagitan ng pagdyi-gym.

So, hindi lang siya naka-focus sa paggimik at shoppings, he’s knows na kailangan niyang maglaan talaga ng oras sa pag-e-exercise and training, or else, lalaki na naman siya.

Anyway, malapit-lapit na ring bumalik sa bansa si Raymond at nag-promise siya sa akin na a-attend sa pa-block screening ko for Unbreakable movie nina Richard Gutierrez, Bea Alonzo and Angelica Panganiban on November 27 (na opening day) rin ng pelikula.

O, Ateng Salve, go ka sa pa-block screening ko, huh!

KARLA ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with