James wala pa sa planong magkaanak kay Nadine
Nadine Lustre
James wala pa sa planong magkaanak kay Nadine
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - October 31, 2019 - 12:00am

Wise decision ang sinabi ni James Reid na huwag na muna silang gumawa ng baby ni Nadine Lustre. Sa sitwasyon ng kanyang trabaho ngayon, na kung saan ay nagsimula na siyang mag-establish ng sarili niyang negosyo matapos niyang lisanin ang Viva, ayaw niyang magdala ng isa pang nilalang sa mundo nang wala pang kasiguruhan ang kanyang kita.

Nagpapasalamat na lamang siya at makaraang mawala siya ng Viva ay sinalo agad siya ng Dreamscape at magkakaroon na ng isang teleserye kung saan katambal si Nancy ng Momoland. Pero ang konsentrasyon niya ay sa kanyang music.

Mag-aapat na taon na ang relasyon nila ni Nadine at mukhang maganda naman ang resulta ng paghihiwalay nila ng career.

Samantala, may pahayag si James tungkol sa pakikipagtrabaho kay Julia Barretto. Sinabi niyang ayaw niya raw itong makapareha dahil ayaw niyang masali sa gusot na kinasasangkutan nito. Pero kung bakit ayaw niya rin si Nadine na maitambal kay Joshua Garcia ay baka dahil din sa rason kung bakit no-no siya kay Julia.

Bela in demand

In demand ngayon si Bela Padilla. In competition ang pelikula nila ni Paul Soriano na Manañita sa Tokyo International Film Festival. Malaki ang inaasahan ng supporters niya para sa kanya at sa movie niya dahil kakaiba ang kanyang role rito. Pagbalik niya mula Tokyo, sasabak na agad siya sa Miracle in Cell #7 kung saan katrabaho naman niya si Aga Muhlach.

Matatandaang second choice lamang siya sa nasabing Metro Manila Film Festival 2019 entry, dahil si Nadine Lustre talaga dapat ang gaganap sa role nito. pero dahil tinanggihan ng una ang project, sa kanya napunta ito.

Baron nanghi­hingi ng dasal

Tingnan mo nga naman kapag dumating ang suwerte, hindi mapigilan.

Matapos ang matagumpay na pagbabalik ni Baron Geisler sa kanyang pag-aartista ay nakatagpo siya ng isang babaeng bukod sa nagpakita ng totoong pagmamahal at malasakit sa kanya ay minarapat niyang pagsanglaan ng kanyang puso at pangalan. Ngayon ay kasal na sila ni Jamie Evangelista at hinihintay ang pagsilang ng kanilang panganay na anak sa Pebrero 2020. Isang sanggol na babae ito na papangalanan nilang Talitha Cumi. Magiging malaking inspirasyon ang bata para tuluyan nang iwan ni Baron ang kanyang bisyo at ipagpatuloy ang kanyang pagtahak sa tamang landas.

Humihiling siya ng panalagin para sa safety ng kanyang mag-ina. Dasal ng magaling na aktor na magkaro’n pa siya ng magagandang projects na tulad ng ibinigay sa kanya ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Co-Love nina Dennis at Jennylyn diretso sa concert!

Naghahanda para sa isang malaking concert ang partners in reel and real life na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Pinamagatang Co-Love Live  na magaganap sa February 15 sa New Frontier Theater sa Araneta Center, Cubao.

Nabuo ang ideya ng concert matapos ang matagumpay na kolaborasyon ng dalawa sa YouTube. Sa halip na sundin ang hiling ng fans nila na gumawa sila ng isang music album, ang concert ang gagawin nila. Inaasahang magiging maganda ang palabas dahil parehong kumakanta ang dalawa at marami silang maibibigay sa concert.

NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with