Contestants sa singing contests pinahihirapan
Buti na lamang at hindi head on ang tapatan ng singing competitions ng GMA-7 at ABS-CBN na The Clash Season 2 at The Voice Kids. May 30 minutong pagitan ang dalawang show kaya may pagkakataon ang mga manonood na parehong matunghayan ang dalawang competition.
Nasa semi finals na ang The Voice Kids at kasalukuyan nang pumipili ng tig tatlong semi finalist sina Lea Salonga, Bamboo Mañalac at Sarah Geronimo. Hindi na magtatagal at may susunod na rin sa naging tagumpay nina Lyca Gairanod), Elha Nympha at Joshua Oliveros.
Nasa Laban Kung Laban episode naman na ang The Clash na kung saan magtutunggali ang mga nanalo sa unang round. Matatagalan pa ang tatakbuhin ng pa-contest na ito dahil as of this writing, aapat pa lamang ang nagwawagi sa mga nakaupo sa black & white seats of power.
Sorry sa imports from the US dahil magkasunod na linggo na silang dehado. Ganitong hirap ang pinagdaanan ng season 1 grand winner na si Golden Cañedo, pero kayang-kaya nitong makipagsabayan sa winners ng iba pang singing competition, sa TV man o hindi. Kailangan lamang ay exposure para makaarangkada laban siya sa mga katulad niyang grand winner.
Kasama ngayon si Golden sa isang concert tour sa Amerika na gagawin ng Kapuso.
Ibayong hirap ang pinagdaraanan ngayon ng mga kontesero sa singing competitions. Kung dati ay manalo lamang sila sa daily, weekly, monthly, semi at grand finals ay okay na sila, ngayon, bago sila maging semi finalist ay marami pa silang haharaping challenge. Sinasagad talaga ang mga boses nila bago nila matanggap ang milyong pisong premyo na may kasama pang bahay at lupa at kontrata sa mga network.
Koreanovela na ipapalit sa Nang Ngumiti… hindi angkop sa mga bata
Isang Koreanovela ang ipapalit ng ABS-CBN sa nagtapos na seryeng Nang Ngumiti ang Langit na nagpakilala sa batang babaeng artistang si Sophia Reola. Dito rin nakilala ang tambalang Enzo Pineda at Michelle Vito na nagpakilig sa maraming early morning TV viewers.
Impressive naman ang trailer ng makakapalit nitong I Have a Lover, pero parang hindi ito angkop sa mga batang manonood dahil ang tema nito ay betrayal. Meron naman silang makukuhang leksyon sa effort ng wife na mapanatili ang kanyang marriage. Makaka-relate talaga sila sa bagong panoorin sa Dos. Buti na lamang at mga batang anak lamang ang kasama nila sa bahay, ang mas nakatatanda ay siguradong nasa eskuwelahan na. Wala na silang papaliwanagan at gagabayan sa panonood.
Mga anak nina Gretchen, Marjorie at Claudine, damay na rin!
You’d think na titigil na ang away sa pagitan ng Barretto sisters, pero kahit nai-cremate na ang kanilang ama na si Miguel Barretto ay patuloy pa rin sa kanilang alitan sina Gretchen, Claudine at Marjorie Barretto.
Ngayon ay mas lumawak pa at lumaki ang iskandalo ng pamilya na pinagpipistahan ng maraming tsismosa. Ikinasisisya kaya ng magkakapatid na masira ang kanilang mga imahe at the expense of their children? Kawawa naman ang mga anak nila, Nauunawaan ba nila ito? Hindi na nila iginalang ang namatay nilang ama, pati ang nabubuhay pa nilang ina ay wala pa rin silang paki?
- Latest