Namayapang si Kuya Germs milyon ang ginastos sa renovation ng MET
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

Nakakatuwang isipin na magiging operational na muli ang Metropolitan Theater sa Lawton, Manila. The last time I was there ay buhay pa si Kuya Germs. We went there para bisitahin ang lugar at nakita kong marami nang sira dito at may baha sa loob pero, andun pa rin ang kagandahan ng lugar na na­ging witness sa maraming produksyon at kung saan ay linggo linggong nagtampok ng palabas sa TV na VIP, isang prog­rama ng ngayon ay Congresswo­man Vilma Santos. 

May dalang malaking halaga si Kuya Germs para pantulong sa renovation ng MET, milyon! Pero, kung kanino niya ito ibinigay ay nakalimutan ko na. Ang mahalaga lamang ay naging interesado siya na muling mabuksan ang lugar na tulad sa pinaplano ngayon. Pero, naayos na kaya ang lugar? Meron na ba itong kapasidad na magbigay ng magagandang panoorin?

Acting ni KZ biglang pinag-interesan

Hindi lamang si Yeng Constantino ang sumubok sa pag-aartista at nag-enjoy, si KZ Tandingan din. Pumayag itong mag-venture into movie acting. Kung si Yeng ay sa Kapusong si Rocco Nacino ipinartner, ang singer na ipinagmamalaki natin ng husto dahil ubos tinding nakipaglaban at nagpakita ng galing sa isang pakontes para sa mga celebrity singer sa China ay si Epy Quizon ang leading man sa The Art of Ligaw.

Ang pelikula ang nagbibigay inspirasyon kay KZ matapos ang hindi magandang karanasan niya nang maloko ng isang prodyuser na kumuha sa kanya para mag-concert sa US. Nangako ang manager ng singer na sasampahan ng kaso ang nagmalasadong producer sa hindi pagtupad ng kontrata nila at pag-aaksaya nila ng panahon para makabiyahe pa-Amerika.

Marami ang interesado na mapanood ngayon pa lang ang unang movie ni KZ dahilan lamang sa naging pahayag ni Epy Quizon na maganda ang naging performance niya sa The Art of Ligaw, “next Nora Aunor” daw siya, isang pahayag na hindi naman siguro bibigkasin ng magaling ding anak ng namayapang Hari ng Komedya na si Dolpy para lamang sa promosyon ng pelikula nila. Baka nga naman tulad ng kanyang pagkanta ay isang outstanding actress din si KZ. Aber. Mapanood nga ang TAOL.

Josh at Bimby nag-proxy kay Kris

So nice naman of Kris Aquino to send his boys, Josh and Bimby para tanggapin ang Ading Fernando Memorial Award niya sa PMPC 33rd Star Awards for TV last night. Hindi natanggap ng Queen of All Media ang parangal niya dahil nasabay ito sa medical check up niya sa abroad.

Gumawa na lamang siya ng promise sa mga miyembro ng PMPC na babawi siya sa susunod nilang big event. Tulad ng marami niyang pangako, Kris always delivers, kaya love siya ng press.

Vic at Pauleen suwerte sa isa’t isa

Hindi ko alam kung sino ang mas masuwer­te sa marriage nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Si Vic ba na mayro’ng asawang nakakaintindi sa kawalan niya ng panahon ngayon sa mag-ina niya, o si Pauleen na ang asawa naman ay nagsisipag para makapag-provide sa kanila ng maayos. Lately ay bihirang magkita ang mag-asawa.

Maagang umaalis ng bahay si Vic para pumunta ng Eat Bulaga, mag-shooting ng movie at mag-taping ng comedy series niya. Pauleen, after her chores in EB, is left caring for Tali, their daughter and taking care of the house, preparing and cooking something for her husband sa pag-uwi nito. 

KUYA GERMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with