6 movies ni Vice Ganda, kabilang sa Top 10 Highest Grossing Pinoy films
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - October 6, 2019 - 12:00am

May dahilan si Vice Ganda para maging masaya, makuntento at magbunyi sa kanyang karera bilang artista, anim sa ginawa niyang pelilkula ay kasama sa listahan ng Top 10 Highest Grossing Movies of all Time. Ito ang mga Superparental Guardians (3); Fantastica (4); Gandarapiddo: The Revenger Squad (5); Beauty and the Bestie (7); The Amazing Praybeyt Benjamin (8); Girl Boy Bakla Tomboy (9). Ang natitirang apat ay ang Hello, Love, Goodbye (1); The Hows Of Us (2); Second Chance (6); at Starting Over Again (10). Hindi kataka-taka kung it takes time for the Unkabogabol Star na pumili ng kanyang mga movie project, mayro’n pala siyang box-office title na pinangangalagaan.

Sa Pasko, sila ni Anne Curtis ang sanib-pwersa para MMFF 2019.

James at Nadine matatagalan pa uling magtambal

Iiwan sumandali o baka mas matagalan pa dahil wala na si James Reid sa Viva na kung saan naman ay nakakontrata pa ang kanyang ka-loveteam na si Nadine Lustre. Malamang matagalan pa bago sila magsama sa isang project. Buti na lamang at inabsorb ng Dreamscape si James at malamang mapanood ito sa mga project na gagawin ng nasabing produksyon sa TV. 

Sa pagpirma ng sikat na Korean group na Momoland sa Kapamilya Network, si James ang napili para itambal sa isa sa mga myembro ito.

Bela nag-iba na rin nang ginagawa 

Naiiba ang role ni Bela Padilla sa Mananita ng Ten17p Films ni Paul Soriano. Sumusunod na siya sa bakas nina Anne Curtis, Erich Gonzales, Cristine Reyes at Jean Garcia na sumabak sa action and passed with flying colors. Bela’s role in Mananita requires na sumabak siya sa matitinding aksyon bilang isang ex military sniper who’s seeking revenge. Kasali ang pelikula na sinulat ni Lav Diaz sa Tokyo International Film Festival.

Bagets sa Starla ni Juday, kind ang hitsura ng mukha 

Mayro’n na namang bagong artistang bata ang tatangkaing pasikatin ng ABS-CBN sa tradisyon nina Zaijian Jaranilla, Bugoy Cariño, Marco Masa, Raikko Mateo, Onyok Pineda, Xyriel Manabat, Jana Agoncillo, Zia Vigor, Heart Ramos at napakarami pang iba. Ito si Enzo Pelojero na mapapanood sa balik-serye  ni Judy Ann Santos na Starla bilang ang lovable na si Buboy. Susundan niya si Sophia Reola na bida sa Nang Ngumiti Ang Langit at kinalulugdan ng manonood. Si Enzo na pitong taong gulang at produkto ng pakontes ng It’s Showtime na Mini Me at endorser ng Hammerhead for Kids. Mabilis kalugdan ang bagong child star dahil mayro’n itong kind face.

Mica pakakasal na kung kailan napansin

Nakatakda na palang magpakasal ng magdyowang Jay-R at Mica Javier sa dara­ting na summer. 

Kung kailan pa napansin ang bride to be sa Los Bastardos at nakita na mayro’n pala siyang kakayahang umarte at gumawa ng mga action scene na hindi mahuhuli sa ginawa ng mga unang nag-action na artista nating babae at saka pa siya mag-aasawa.Sana hindi humadlang ang pagiging may asawa niya para tumanggap pa siya ng role  na tulad ng sa Los Bastardos, na hindi lamang isang drama action kundi marami ring sexy scenes sila ni Joshua Colet.

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with