^

Pang Movies

Balik-tambalan nina Rita at Ken masusubukan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Balik-tambalan nina Rita at Ken masusubukan
Rita Daniela at Ken Chan

Huhusgahan na ngayong gabi ang RitKen love team nina Rita Daniela at Ken Chan na for the first time ay mapapanood sa primetime, ang One of the Baes. 

Ang tanong kasi rito, nasanay nang mapanood sa drama ang magka-love team sa hinangaang Afternoon Prime drama series nilang My Special Tatay at ngayon ay comedy naman ang io-offer nila, kasama ang mga bigating mga artista, sina Tonton Gutierrez, Melanie Marquez, Jestoni Alarcon, Roderick Paulate at Amy Austria, at cast ng special performers.

Isa pa, ang tinaguriang millennial fairytale ay handog din ng GMA News and Public Affairs para sa ating mga Seafarers, na ipinagdiriwang ang Seafarers Month ngayong October. At para maging makatotohanan ang mga eksenang mapapanood, kinunan ang kabuuan ng story sa Maritime Academy of Asia and the Pacific (MAAP) sa Bataan.

Mapapanood ang One of the Baes mamayang gabi, pagkatapos ng The Gift.

Arra na-challenge sa pagiging madrasta

Big challenge para sa Kapuso actress na si Arra San Agustin na gumanap sa role ng isang madrasta sa bagong Afternoon Prime drama series of the same title, ang Madrasta. 

She’s only 24 at sa beauty niya, hindi mo sasabihing ganoon na ang age niya. Bakit niya tinanggap ang role ni Audrey, mula sa mahirap na pamilya, walang tatay, at nagsikap maging nurse, nagpunta sa Canada at doon gustong ma-fulfill ang dream na makatulong sa kanyang pamilya.

“Doon po papasok ang struggle ni Audrey,” kuwento ni Arra. Sa pagbalik niya sa Pilipinas, mami-meet niya si Dr. Sean Ledesma (Juancho Trivino) at ang mommy nito, si Dr. Elizabeth Ledesma (Gladys Reyes). Papasok siya ng trabaho sa clinic nito.  At magiging kontra si Dra. Ledesma sa pagkatao ni Audrey.

“Pero off-camera po ay kasundung-kasundo ko si Ate Gladys, ang dami kong natutunan sa kanya, lalo na kapag magkasama kami sa holding area, sa dressing room namin. At doon na nga po pumasok ang tanong bakit tinanggap ko ang role ganoong bata pa ako para sa character ng isang madrasta.

“Bagay po lamang sa amin nina Juancho at Thea (Tolentino) dahil sila ang tunay na pa­r­­ents ng mga anak nila, at mga bata pa ang mga anak nila. Doon malalaman kung paano naging madrasta si Audrey.”

Kilalang isang mahusay na kontrabida si Thea, ready ba si Arra na salubungin ang mga eksenang magkakasakitan sila ni Thea?

“Oo po naman, minsan na ngang naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko, pero mas gusto ko po iyon at ako pa ang nagsasabi sa kanila ni Isabelle de Leon, another kontrabida, na totohanin namin ang acting namin. Mas mahirap po kasing sumalo ng pekeng sampal, sayang naman iyong eksena, kung pepekein namin tapos uulitin dahil hindi nag-register na maganda. Mahuhusay po ang mga kasama ko rito, kaya challenged po talaga akong pagbutihin ang pagganap sa role ng madrasta.”

Papalitan ng Madrasta ang Dahil Sa Pag-ibig nina Sanya Lopez, Benjamin Alves at Pancho Magno na simula na ngayong Monday ang finale week nila, after ng Prima Donnas.

vuukle comment

KEN CHAN

RITA DANIELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with