Jean Garcia
Jean sumumpang walang malisya kay Alden
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 11, 2019 - 12:00am

Masaya ang mediacon ng inspirational-drama series na The Gift sa Prime Hotel the other day. Napansin siguro ni Elizabeth Oropesa na medyo seryoso ang question and answer portion kaya nang time na niya na siya naman ang magsalita, sabi niya: “Bago ang lahat, may comment lamang ako. Yung dalawang ina, may malisya sa anak, napansin namin ‘yun.”

Siyempre pa tawanan ang lahat dahil alam nang mabiro si La Oro.  Kaya natawa rin sina Alden Richards at sina Jo Berry at Jean Garcia, ang tinutukoy niyang dalawang ina, dahil ginagampanan ni Jean si Nadia, ang biological mother ni Alden as Joseph o Sep, at si Jo naman ang adoptive mother ni Alden na si Strawberry.

Sa story, bata pa nang mahiwalay si Sep kay Nadia sa Quiapo at nasagip siya ni La O as Lola Char sa kikidnap sa bata at iniuwi niya ito sa bahay nila ng anak na si Strawberry. Noong una ay tumanggi si Strawberry na siya ang mag-alaga at magpalaki kay Sep, pero nakagiliwan na niya ang bata na lumaking mabait at mapagmahal.

 “Hindi ko po alam kung ano isasagot ko kay Lola Char, pero lagi pong ipinaalaala sa akin ni Direk LA Madridejos na nanay ako ni Sep,” sagot ni Jo.  “Pero totoo pong idol ko si Alden dahil napakabait niya at napakahusay na artista at talagang ipinagdasal ko na sana dumating ang time na makasama ko siya sa isang project at answered prayer naman dahil heto na, magkasama na kami.”

“Baby ko yang si Alden,” sagot naman ni Jean. “Kami na ang unang magkasama sa first project niya sa GMA, ang Alakdana at sa sumunod pa, ang One True  Love. Alam ko ang mga pinagdaanan ni Alden noon na tinatanggihan siya, pero napakabait na bata at hindi mo siya mariringgan ng reklamo. Kaya medyo nagkaiyakan pa kami sa pictorial namin para sa serye dahil after that two teleseryes ngayon lamang kami muling nagkasama. At kung mabait na si Alden noon, mas mabait pa siya ngayon at lalong naging mahusay na actor. Hanggang ngayon ‘madam’ pa rin ang tawag niya sa akin, dahil iyon ang itinawag na niya sa akin noon pa. Kaya La O, nanay ako rito, biological mother, sa akin nanggaling si Alden.”

Thia nagluluksa sa kapatid na namatay sa cancer

Maganda naman ang ibinahaging interview ni Thia Thomalla, ang katambal ni Alden Richards sa The Gift. Ipinagpasalamat niya ang pagkasali sa inspirational drama series dahil para raw sinagip siya. Si Miss Eco International ng Miss World 2018 ay nagluluksa sa pagkamatay ng 25 year-old brother niya of cancer.

“Getting this role, helped me pull myself out of the darkness after my brother’s passing,” sabi ni Thia.  “I’m happy with this project kasi masasaya at mahuhusay ang mga co-actors ko. The truth is, in real life, I’m a comedian.”

Si Thia ay si Faith, ang ‘Princess of Divisoria,’ anak siya ng mayamang fabric store owner doon, played by Cheska Diaz.  Sa Monday, September 16 na ang The Gift, sa primetime telebabad.

JEAN GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with