^

Pang Movies

Dyowa ni Jasmine may puwesto na rin sa DOT

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Dyowa ni Jasmine may puwesto na rin sa DOT

Ang nobyo ng nakababatang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith na  si Jeff Ortega (Joseph Francisco Ortega) ay nanumpa last September 2 kay Dept. of Tourism Sec. Berna Puyat bilang bagong hirang na Regional Director ng Dept. of Tourism.

Ang panunumpa ni Jeff ay personal na sinaksihan mismo ni Jasmine na sobrang proud sa kanyang nobyo.

Bagong artist nagti-trend agad

Usung-uso sa YouTube ang pagba-viral ng mga raw talents and their music at ang pinakabagong talent na may strong following ay ang pinakabagong Viva rap artist na si Geo Ong na ang latest single na pinamagatang Pekeng Kaibigan ay agad nakakuha ng million views sa loob lamang ng dalawang araw at kasunod na rito ang pagiging number one nito sa loob ng makakasunod na tatlong araw.

Ang pagti-trend ng awitin ni Geo at ng mga nauna niyang rap songs tulad ng Breadwinner at Parokyana na kanyang in-upload sa YouTube ay dahil na rin siguro sa pagiging hard-hitting at direct to the point lyrics niya na base na rin sa kanyang personal experiences at maging sa nakikita niya sa kanyang paligid.

Panti... nangangamoy Box-office

Malakas ang vibes namin na ang pelikulang Panti Sisters nina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario na dinirek ni Jun Robles Lana for The IdeaFirst Company ang mangunguna sa ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magsisimula ngayong September 13 hanggang September 19, 2019.  Malamang na pumangalawa ang Open nina JC Santos at Arci Muñoz na dinirek ni Andoy Ranay for T-Rex Entertainment and Black Sheep Productions.

vuukle comment

JEFF ORTEGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with