Cathy Garcia Molina
Sa dami ng papuri, Alden napaluhod kay direk Cathy
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pang-masa) - July 11, 2019 - 12:00am

SEEN: Nagulat si Kathryn Bernardo sa grand presscon ng Hello, Love, Goodbye na ginanap noong Martes sa Dolphy Theater dahil sa dami ng mga tao na nakita niya. First time ni Kathryn na dumalo sa presscon ng kanyang pelikula na punum-puno ang venue.

SCENE: Mainit ang pagtanggap ng ABS-CBN employees kay Alden Richard sa presscon ng Hello, Love, Goodbye dahil maaga pa lang, inaabangan na ang pagdating niya. Kasama ni Alden ang mga executive ng GMA Artist Center at may coverage rin ng presscon ang GMA News.

SEEN: Napaluhod at napasubsob si Alden Richards sa kandungan ni Cathy Garcia Molina dahil sa mga papuri sa kanya ng direktor ng Hello, Love, Goodbye. Sinabi ni Cathy na isa si Alden sa mga pinakamabait na aktor na nakatrabaho niya. Nasubukan ni Cathy ang kabutihan ni Alden dahil halos isang buwan sila na magkasama sa Hong Kong para sa shooting ng Hello, Love, Goodbye.

SCENE: “This is probably one of my highlights as an actor. I am grateful for the opportunity to work with and learn from you, Direk. For your words of encouragement, Direk Cathy…thank you,” ang taos-puso na pasasalamat ni Alden kay Cathy Garcia-Molina.

SEEN: Pinagbawalan ni Cathy Garcia-Molina na gumamit ng cellphone si Kathryn Bernardo sa Hong Kong shoot ng Hello, Love, Goodbye. Nang tanungin ni Cathy kung nagagalit si Kathryn sa kanya, opo ang sagot ng aktres na may permiso na magalit sa direktor niya pero bawal na bawal na mag-walk out siya sa set.

 SEEN: Isa sa mga kaibigan ni Kathryn Bernardo ang role ni Lovely Abella sa Hello, Love, Goodbye. Napasakamay ni Lovely ang role dahil nakapasa siya sa audition na ipinatawag ni Cathy Garcia Molina pero nawala siya sa cast ng Dragon Lady ng GMA 7 dahil sa Hong Kong shoot ng pelikula nina Alden Richards at Kathryn.

SCENE: “Lucky charm” sa mga pelikula ni Cathy Garcia Molina si Joross Gamboa dahil kasali ito sa halos lahat ng mga movie project ng lady director na magreretiro ngayong 2019. Nagbiro si Joross na baka mawalan na rin siya ng mga film assignment dahil sa nalalapit na retirement ni Molina.

CATHY GARCIA MOLINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with