Alden at Kathryn dumaan sa mahabang proseso bago napagsama
Kitang-kita sa mukha ng Kapuso prized actor na si Alden Richards ang sobrang kasiyahan dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Star Cinema at ng Kapamilya Network, ng fans ni Kathryn Bernardo, ng kanyang fans at ng entertainment media sa grand mediacon ng first team-up nila ni Kathryn, ang Hello, Love, Goodbye na dinirek ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina na ang kabuuan ng pelikula ay kinunan pa sa Hong Kong.
Walang mag-aakala na magiging posible ang pagtatambal nina Kathryn at Alden na prized talents ng magkaribal na TV network, ang ABS-CBN at GMA-7.
Inamin ng isa sa mga executive ng Star Cinema na si Mico del Rosario na mahaba umanong proseso ang pinagdaanan para maisakatuparan ang casting coup na maituturing sa pagitan nina Kathryn at Alden.
Pinasalamatan ni Alden hindi lamang ang kanyang home studio, ang GMA Artist Center sa pagpayag na ipahiram siya sa Star Cinema at sa Star Cinema for considering him to be part of the project at kay Kathryn sa pagtanggap sa kanya bilang bagong kapareha sa pelikula.
“Hindi po kami loveteam ni Kath sa movie. Nagsama po kami para ihatid sa inyo (manonood) ang isang magandang kuwento nina Joy at Ethan na parehong OFW na nagta-trabaho sa Hong Kong at ang kanilang journey,” pahayag ni Alden.
Dahil sa pelikulang Hello, Love, Goodbye, nagpapayat nang husto si Alden at 25 lbs. ang nawala sa kanyang timbang at ginawa niya ito on his own dahil na-challenge siya kay Direk Cathy nang sabihin nitong mataba siya.“I did my own program – work-out at sariling diet and I did it for one month.” dugtong pa ng Kapuso actor.
Samantala, inamin ni Direk Cathy during the presscon na talagang pinahirapan niya literally ang main actors in the movie na sina Kathryn at Alden para mailabas ng dalawa ang tunay na character na kanilang ginampanan.
Kung tutuusin, kabisado ni Kathryn si Direk Cathy having worked with her in three successful movies in the past at kasama na rito ang record-breaking movie nila ni Daniel Padilla nung isang taon, ang The Hows of Us na kumita sa world-wide release nito ng mahigit P900-M pero aminado si Kathryn na itong role niya bilang Joy na isang domestic helper sa Hong Kong ang kanyang pinakamahirap at pinaka-most challenging role na ginampanan.
- Latest