^

Pang Movies

Mga pelikula ni Rudy mapapanood na uli

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Mga pelikula ni Rudy mapapanood na uli
Rudy Fernandez

Makahabol naman kaya sa rating ang gagawing pagpapalabas ng mga pelikula ni Rudy Fernandez? Sanay na kasi ang mga tao na palaging pelikula ni Fernando Poe Jr. ang kanilang pinapanood gabi-gabi.

Sabagay, magaganda rin naman ang mga pelikula ni Daboy, hindi lamang puro aksyon, kung hindi may comedy at romance rin.

Tiyak na hindi naman mami-miss ng mga manonood si FPJ dahil nangunguna pa rin sa kanilang timeslot ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin na siyang unang pinagbidahan ni Da King.

Ian ayaw sagarin ang sarili sa trabaho!

Walang pinalampas na panahon si Ian Veneracion, isang taon na ang banda na kanyang itinayo. Ito ang sumasama sa kanya sa tuwing meron siyang concert.

Kung gugustuhin niya ay marami siyang offer para kumanta, pero ayaw niyang abusuhin ang sarili niya at para hindi siya ma-over expose.

Sa concert muna siya sa ngayon magpo-focus habang naghihintay ng assignment sa Kapamilya. Nakahanda na ang gagawin niyang concert sa Music Museum sa mga susunod na araw. Bukod sa kanyang magandang boses, hinahangaan ng lubos ang magaling na pagtugtog ng aktor ng gitara.

 Aga magpapatayo ng bagong bahay para sa kanilang mag-anak

Isa sa kakain ng malaking panahon ni Aga Muhlach ay ang gagawin nilang mag-anak na pagtatayo ng bagong bahay. Feeling ng guwapo at magaling na aktor ay kailangan na nilang apat nina Charlene Gonzales-Muhlach, Andres at Atasha Muhlach ng mas malaking house para sa kanilang pamilya. Yung bahay sa Alabang ay bahay ni Aga nung wala pa siyang asawa at ‘yung sa Batangas ay ipinatayo niya nung kakakasal pa lamang nila ni Charlene. Meron na silang bahay sa Amerika noong may kambal na sila. Kaya magpapagawa sila ng isa pa ngayon para naman sa kanilang lahat.

Kylie gusto ring mag-Darna

Ang dami palang fans at supporters ni Kylie Versoza ang nagwi-wish na makuha siyang Darna. Gusto rin nila na ito ang maging first project nilang magkatambal ni Jake Cuenca. Hindi na itinatago ng dalawa ang kanilang relasyon at mukhang boto naman sila sa tambalan ng dalawa sa likod ng kamera.

Walang nagba-bash sa PDA at sweetness ng da-lawa kapag magkasama sa set man o sa labas ng Los Bastardos na kung saan nagsimula ang romansa nila.

RUDY FERNANDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with