^

Pang Movies

Gloc 9 at Julie Anne may collab na pang-bitter

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Gloc 9 at Julie Anne may collab na pang-bitter

Nagbabalik ang legendary rapper na si Gloc 9 sa music scene para sa kanyang bagong EP (Extended Play) na may title na Tulay mula sa Universal Records.

Ang galing ng concept ni Gloc 9 kung bakit tulay ang title ng kanyang EP na hindi lamang ipa­rinig ang kanyang bagong single, kundi magsisilbing tulay na marinig ang ibang artist sa kanyang album na naglalaman ng limang kanta ng iba’t ibang singers.

Ang humble ni Gloc 9 na sinabing nagbabalik lang daw siya ng utang na loob kung paano siya tinulungan ng ibang magagaling na singers noon. Ngayon ay siya naman ang patuloy na nakikipag-collaborate sa mga mahuhusay ring singers ng bansa. Kasama sa tracklist ng EP nito ang Pamaypay feat si JKris,  Totoo  ni Zjay & Lirah Bermudez, Lagi ni Al James, Maleta ni Julie Anne San Jose at Sino ni Abaddon & Smugglaz.

Isa sa mabenta at malupet na collaboration nila ni Julie Ann ang Maleta na kanta para sa mga bitter.

Naalarma lamang ang fans at apektado sa isang part ng lyrics ni Gloc 9 na Ubos na ang Tinta na nalungkot ang followers na hindi pa man nagreretiro ang isa sa master rapper ay parang nagpapaalam na.

GLOC 9

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with