Regine Velasquez
Regine at Sec. Teddy Boy Locsin, ‘tulya’ lang ang pinag-ugatan ng iringan
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 22, 2019 - 12:00am

Talagang tawang-tawa kami doon sa naging pagtatalo nina Regine Velasquez at Secretary Teddy Boy Locsin nang dahil sa tulya. Inaamin ni Secretary Locsin na may mga reklamo nga raw na nakarating sa kanya tungkol sa diumanong mga barko ng bansang Tsina na pumasok sa mga sakop ng ating exclusive economic zone sa West Philippine Sea.

Sinabi naman niyang nagpapagawa siya ng isang imbestigasyon tungkol sa mga bagay na iyon at gagawan niya ng kaukulang aksiyong diplomatiko, pero pabiro niyang sinabing ayaw naman daw niya matandaan siya ng mga tao bilang “defender ng tulya”. Ang alegasyon kasi, hinahakot ng mga barko ng Tsina ang giant clams o malalaking tulya sa bahaging iyon ng West Philippine Sea.

Mabilis namang nag-react si Regine Velasquez at nagsabing akala pa naman daw niya matalino si Locsin, eh hindi naman daw tulya lang ang usapan doon kung hindi ang nasisira nating karagatan dahil sa ginagawang paghahakot ng mga Tsino ng tulya.

Hinihintay naming pagtalunan kung ang tulya ba ay gagawing torta o ilulutong ulam na lang.

Wala kaming nakikitang hindi dapat pagkasunduan sa kani-kanilang mga posisyon eh. Sinabi naman ni Locsin na ginagawan niya ng imbestigasyon at nakahanda siyang magsampa ng isang diplomatic protest, pero siguro nga ang iniisip niya ay kung ano ang mas matibay na dahilan sa diplomatic protest kaysa naman sa naghahakot ang mga Tsino ng tulya.

Talaga namang napakababaw na ang tulya ay maging dahilan ng isang diplomatikong usapan. Iyong sinasabi naman ni Regine na nasisira ang karagatan, aba eh kailangang patunayan pa iyan. Kailangang alam natin kung ano ba ang nasira? Kailangang alam naman natin kung pagbabayarin ba natin sila sa nasira ng kanilang pamamalakaya sa ­ating karagatan. Noong sumadsad ang barko ng kano at nasira ang mga coral reefs sa Tubbataha Reefs sa Sulu Sea, pinagbayad natin sila. Ganoon lang naman kasimple iyan ding ginawang paghahakot ng tulya ng mga barkong Tsino.

Matteo nakipag-meeting kay P. Duterte

Matapos na sumali sa reserve officers’ corps ng Philippine Army ang actor na si Matteo Guidicelli, ang sumunod namang balita ay nakipag-meeting siya kay Presidente Rodrigo Duterte sa Malacañang.

Walang opisyal na pahayag ang palasyo sa pagbisitang ginawa ni Matteo, mukhang dalaw kaibigan lang naman iyon dahil talagang silang dalawa ang magkaharap at nagtatawanan pa sila ng presidente. Baka nga may kailangan ding tulong ang gobyerno kay Matteo, pero tiyak iyon, hindi naman tipo niya ang tatanggap pa ng posisyon sa gobyerno. Maganda ang takbo ng kanyang career, at may mga negosyo pa siya. Baka mapabayaan lang niya iyan kung papasok pa siya sa gobyerno.

Pero hindi rin naman natin maikakaila, si Matteo ay may utak. Mas may utak iyan kaysa sa ibang nailagay na sa puwesto.

Aktres at BF mas piniling maghubad nung Holy Week

“Ay bastos,” sabi ng ilan nang mismong araw ng Biyernes Santo ay lumabas sa isang social media platform ang halos hubad na larawan ng isang aktres at ng boyfriend niyang basketball player. Ang aktres ang nag-post noon sa kanyang social media account. Hindi rin namin alam kung bakit ang hubad na larawan nila ay kanyang inilabas nang mismong Biyernes Santo pa. Mukhang wala na bang araw na pinipili ang mga bagay na ganyan?

Hindi man lang naghintay na matapos ang mahal na araw.

REGINE VELASQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with