Maymay Entrata
MayWard may bagong album
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - April 11, 2019 - 12:00am

Sanib puwersa na naman sina Maymay Entrata at Edward Barber sa bago nilang album na MayWard.

Sinasamantala ng mag-loveteam ang paggawa ng maraming projects dahil patok ang kanilang mga kanta.

Hindi makakailang multi-talented si Maymay dahil bukod sa husay nito sa pag-arte at pagmo-model, ngayon ay binabalikan na niya ang pagkanta.

Ang bagong single nga niyang Kakayanin Kaya ay umabot na nang mahigit dalawang mil­yong views sa YouTube.

Samantala, ang single naman ni Edward na No One Else ay three hundred plus pa lang bagama’t sikat naman siya, na sa pananaw ng iba, si Maymay pa rin ang magdadala ng bagong nilang album.

Matunog din ang pangalan ni Maymay na napipisil gumanap sa role na Darna na iniwanan ni Liza Soberano dahil sa kanyang finger injury. Siyempre, umalma agad ang kanyang bashers at nilait-lait na naman ang dalaga, pero marami namang fans niya ang nagtanggol sa kanya.

MAYMAY ENTRATA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with