^

Pang Movies

Darna maraming senyales na ‘wag nang ituloy

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Darna maraming senyales na �wag nang ituloy
Angel

Noong una ang Darna ay gagawin na talaga ni Angel Locsin. May pre-production work na. Naplano na pati ang sinasabing pagpapalit ng costume ni Darna na ibabagay na raw sa bagong henerasyon. Naroroon na ang lahat nang bigla na lang hindi na raw puwede si Angel dahil sa kanyang problema sa spinal column.

Inoperahan pa siya sa Singapore. Nagpagaling pa siya nang husto, tapos hindi na puwede.

Halos ganoon din ang kuwento ni Liza Soberano. Todo promote na nga siya ng kanyang pagda-Darna. Napalitan ang director na si Erik Matti, na hindi namin alam kung nagkaroon din ng problema sa buto. Nagpalit na ng director pero si Liza pa rin ang bida.

Ngayon binigla na naman tayo na noon daw palang ginagawa pa ang Bagani, napilayan si Liza sa daliri, nagkaroon ng fracture, inoperahan na rin pero hindi pa nga magaling kaya hindi na rin niya magagawa ang Darna. Buto na naman ang naging problema.

Hindi kaya sinyales na iyan na kung itutuloy nila ang Darna baka naman magkalasug-lasog na ang buto ng gagawin nilang bida riyan? Lahat na lang ng sabihing magda-Darna nababalian ng buto eh. Walang nagka-lagnat. Walang napulmonya. Walang nausog. Talagang puro sila nagkakaroon ng problema sa buto.

Isipin ninyo ngayon, hindi na naman matutuloy ang Darna dahil sa finger lang.

Aba baka nga dapat huwag na muna nilang ituloy ang Darna na iyan. Hindi na maganda ang nakikita naming sinyales sa project na iyan. Hindi naman sa pagiging mapamahiin pero bakit nga ba laging ang problema nila ay sa buto?

Bashers ni Derek sa TV5, biglang nabuhay sa GMA 7

Tama naman si Derek Ramsay na huwag nang patulan ang bashers niyang galit na galit na naman sa kanya nang siya ay pumirma ng kontrata sa GMA-7.

Kung natatandaan ninyo, ganyan din ang galit ng mga basher kay Derek nang pumirma siya ng kontrata noon sa TV5. Hindi naman sa pagbibintang pero mukhang ang bashers niya noong lumipat siya sa TV5 ay ang bashers din niya ngayong lumipat naman siya sa GMA-7.

Sa palagay naman namin, ang talagang nakakaalam kung ano ang mas mabuti sa kanilang career ay ang mga artista mismo. Sila lang ang nakakaalam kung ano nga ba ang offer sa kanila. Baka may bahagi ng offer na hindi natin alam, kaya nga mas tama na hindi na tayo makialam.

Sex video raw ni Ivan Dorschner, retokado!

Sabi ni Ivan Dorschner, hindi raw siya ang sinasabing nasa video. Hinanap naman namin ang video. Sa simula ang ipinapakita ay mukha nga ni Ivan, tapos iyong colored video naging black and white at sumingit na nga ang mahalay na bahagi. Hindi na nakikita ang mukha ni Ivan. Maliwanag na edited iyon at dinugtong lang ng mga may ilusyon na may ganoon nga ring video si Ivan.

Pero kung totoong may video si Ivan, tiyak na hahanapin iyon ng mga mahihilig. Baka bilhin pa nila gaya noong video noong model-athlete na kumakalat din ngayon. Hindi iyan kagaya noong isang kumalat na video na pinagtatawanan, at nakakahiya pang aminin na napanood mo nga.

Iyon naman kasing gumagawa ng video dapat, isipin muna kung magiging katawatawa lang sila.

 

vuukle comment

ANGEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with