Bea gustong makasama si Jericho
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - March 25, 2019 - 12:00am

Mismong kay Jericho Rosales pala inamin ni Bea Alonzo na nagkaroon siya ng matinding paghanga sa aktor. Lalo’t bilang performer.

Sayang nga raw at ‘di pa sila nagkakaroon ng pagkakataong magkasama sa isang project.

Right now, we all know that Jericho is in the trending series, Halik, co-starring him with Amy Austria, Sam Milby, Yam Concepcion, Yen Santos, Cris Villanueva and Romnick Sarmenta.

Bea naman is co-starring with no less than ace actress and top ABS-CBN executive Charo Santos in the thriller, Eerie, directed by Mikhail Red which opens in theaters nationwide on March 27.

Coco balak bisitahin si Julia sa Germany

Marami na ang naiinip sa pagbabalik showbiz ni Julia Montes, na matagal-tagal na ring napabalitang nasa Germany to visit her dad.

Huli siyang napanood siya sa ser­yeng Asintado, where she co-starred with, Paulo Avelino, Aljur Abrenica, Agot Isidro at Lorna Tolentino.

Tanong lang: Natuloy kaya ang balak ni Coco Martin na dalawin si Julia sa Germany?

Patuloy na top secret kung ano ngang relasyon mayroon silang dalawa.

Meanwhile, may kumakalat na namang balitang tatapusin na ang top series ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano?

Ang tanong:  May katotohanan nga kaya ito?

Sarah kumpirmadong aso ang ka-partner

Did we hear it right that for her upcoming movie, Unforgettable, which top director Jun Lana will direct, Sarah Geronimo will have a special partner, reportedly a furry.

A furry, in the dictionary, is defined as an animal covered with fur.

Sarah’s last movie appearance was in Miss Granny, kung saan nominated siya for best actress sa nalalapit na FAMAS Awards.

PDEA may listahan na ng showbiz celebrities na gumagamit ng droga!

Grabe, as in talagang grabe, Salve A. if true na, as of this writing may tangan ng listahan ng showbiz celebrities ang PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) na hindi man necessarily involved sa drug trade ay gu­magamit diumano ng bawal na gamot.

May ilang clue ng mga nabanggit na names na binanggit sa amin ang aming source. But we will reveal their names, as we sincerely symphatize with them.

Baron busy na sa mga negosyo

Hindi inililihim ni Baron Geisler na minsan ding nag-drugs siya. Ito’y noong mga panahong patung-patong daw ang kanyang problema. At ang taong tanging naging sandalan niya, ang kanyang ina, na binawian din ng buhay.

He voluntarily had himself rehabilitated. And happily for him, balitang he is up and about na. In fact daw, may negosyo siya, legal ha? which is doing very well.

Kaya, totoo nga ang kasabihang ikaw pa rin ang puwedeng magdikta kung anong klase ng buhay ang gusto mong tahakin.

God bless, Baron.

JERICHO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with