^

Pang Movies

Actress biglang nanghinayang sa mga milyones

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Actress biglang nanghinayang sa mga milyones
Jung Joon-young

Parang matutupad na ang plano ng isang actress na mag-retire na sa showbiz.

Matagal na raw itong gustong gawin ng actress. Pero looks like nanghihinayang na rin siya ngayon dahil malaking pera nga naman ang mawawala sa kanya kung sakali.

There was a time daw na atat nang mag-retire si actress sa showbiz at parang feeling burnt out na. Marami na rin daw itong tinanggihang milyones ang TF na raket dahil nga parang sawa na ito sa career niya.

Pero in a way ay lumamlam ang career niya kaya siguro na-realize ni actress na sayang nga naman kung tatalikuran niya ang showbiz na nagpayaman sa kanya.

K Popstar arestado sa pagkakalat ng sex video!

Mabilis na nag-sorry at inamin ng Korean pop star na si Jung Joon-young ang kanyang kasalanan na pagkuha ng mga sex videos na hindi alam ng mga babae at saka ikinakalat. Arestado nga ang K popstar  matapos umapir sa korte para sa hearing kung saan nga siya nag-apologize sa mga naging biktima niya. “I am truly sorry. I admit to all charges against me. I will not challenge the charges brought by the investigative agency, and I will humbly accept the court’s decision,” sabi niya sa interview pagkatapos ng kanyang court appearance. Dagdag pa niya : “I bow my head in apology to the women who were victimized by my actions.”

Kasali diumano ang Korean popstar na ito na pinaglalaruan ng iba’t ibang video na kinuha niya habang nakikipag-sex ang mga babaeng patago niyan kinukunan.

Kasama niya sa grupo ang Big Bang star na si Seungri na nag-decide nang  iwan ang career dahil na rin sa pagkakasangkot sa iba-ibang eskandalo kasama na ang sexual bribery.

Kung dito sa atin nangyari ‘yan, naku I doubt kung magso-sorry ang mga involve or magre-retire sila.

MILYONES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with