^

Pang Movies

Cong. Lito, stop muna sa hosting!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Cong. Lito, stop muna sa hosting!

Nagkaroon kami ng lunch meeting ng ever favorite ko na si Buhay Party-List Representative Lito Atienza.

 

Dahil kandidato uli siya ng Buhay Party-List, hihinto muna si Congressman Lito bilang host ng Maynila, ang Saturday morning drama anthology ng GMA 7.

Ang anak ni Congressman Lito na si Chi Atienza-Valdepenas ang pansamantala na papalit sa kanya bilang host ng Maynila.

Matagal nang involved sa programa si Chi dahil siya ang producer ng Maynila at sanay siya na humarap sa mga television camera bilang former member ng Star Circle ng ABS-CBN.

Batchmates ni Chi sa Star Circle sina Heart Evangelista, Rafael Rossel at Coco Martin.

Hindi lamang si Congressman Lito ang kumakandidato para sa midterm elections dahil re-electionist naman na konsehal sa 3rd District ng Maynila ang kanyang anak na si Maile.

Talagang politically inclined ang mga Atienza dahil lumaki at nagkaisip sila na nasa mundo ng pulitika at public service si Congressman Lito na dating mayor ng Maynila na gumanda nang husto noong siya ang nasa puwesto.

Dalawang dekada na ang Maynila sa telebisyon at halos lahat ng mga baguhan na artista na sikat na ngayon, nag-guest sa show ni Congressman Lito kaya proud ito sa mga achievement ng isa sa mga longest running program ng GMA 7.

Amy at asawa nagpakasal ulit

Nag-renew ng marriage vows si Amy Austria at ang kanyang mister na si Duke Ventura sa kanilang Manila Bay cruise noong Biyernes, March 15, 2019.

Kasabay ng renewal of vows ng mag-asawa ang birthday celebration ni Duke.

Saksi sa important occasion sa buhay ng mag-asawa ang kanilang mga close friend, ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong, Tirso Cruz III at Lynn Cruz, Edgar Mortiz at Millet Santos, Laurice Guillen at ang couple na sina Lara Melissa De Leon at Ronnie Joseph.

Happy ako para kay Amy dahil maligaya ang married life nila ni Duke na napakabait at very supportive husband. Masuwerte si Amy dahil napakabuti rin niya.

Bianca at Miguel sinisikil din ng fans

Naalala ko ang 1957 movie na Badjao dahil sa Sahaya. Mga bida ng Badjao sina Rosa Rosal, Tony Santos at Leroy Salvador. Ang LVN Pictures ang producer at ang National Artist na si Lamberto Avellana ang direktor ng pelikula. Natatandaan ko na nag-cry ako noon while watching Badjao dahil ang husay-husay ni Tony Santos sa kanyang role bilang isang Badjao. Sariwa pa sa isip ko ang mga hirap at discrimination na natikman ng mga katutubong Badjao mula sa mga taga-siyudad.

Matularan sana ng Sahaya ang drama at magandang kuwento ng Badjao. Starring sa Sahaya sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Gandang-ganda ako kay Bianca at sa rehistro ni Miguel sa television screen. Sinisikil din ng fans at hindi nila matanggap kapag napapabalita na may ibang nali-link kina Bianca at Miguel.

Like hindi puwedeng matsismis si Bianca kay Ruru Madrid at hindi rin puwede na ma-link si Miguel sa ibang aktres.

Dapat makita ng fans na nagkakaroon ng positive growth ang kanilang mga idol kapag nakakatrabaho ng ibang mga artista. Hindi maaaring mangyari ang ipinipilit nila na kapag loveteam sa screen, dapat loveteam din sa tunay na buhay.

Puwedeng magkatuluyan o magkaroon ng relasyon ang ibang mga loveteam dahil nag-grow ang feelings nila para sa isa’t isa at naging romantic pero ‘yung iba, hanggang friendship o parang magkapatid lang talaga.

Let it be, huwag natin silang diktahan. Basta i-enjoy lang natin ang kanilang mga partnership at kung maligaya sila, dapat na maging maligaya rin tayo.

Suportahan na lang natin ang kanilang mga showbiz career at huwag nang i-manipulate pati ang personal lives nila.

vuukle comment

LITO ATIENZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with