^

Pang Movies

Abo ni Chokie ibabalik sa kanyang bahay

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Abo ni Chokie ibabalik sa kanyang bahay

Si Vice Ganda ang sumagot kagabi ng dinner at midnight snack ng huling gabi ng lamay ng kaibigang komedyanteng si Chokoleit na nagkaroon ng ‘Gabi ng Pasasalamat’ na inihanda ng kanyang mga kaibigan.

 

Ngayong araw na siya iki-cremate sa Davao at sa Monday ibabalik ang abo niya sa kanyang bahay sa Antipolo.

Dinala rin sa lamay ng komed-yante ang mga alaga niyang aso.

Maraming ibang kabaro ni Chokoleit ang nangakong magiging maingat na sa kanilang katawan matapos nga ang nangyari kay Chokie na inatake habang nagpi-perform sa Abra.

Meron na pala siyang sakit na Pulmonary Edema at matagal na siyang may nararamdaman pero hindi nagpapatingin sa doctor.

Korina todo handa sa ‘first’ birthday ng kambal

Naka-isang buwan na pala agad ang kambal nina Mar Roxas and Korina Sanchez. “May cake, may pizza, may balloons, may isang bisita, and shempre, May birthday outfit. Hehehehehe! In,love you Pepe and Pilar!  #NanayNiPepeEnPilar,” ang caption ni Ms. Koring sa picture ng kanilang kambal.

Tulad ng ordinaryong brand new mom, tinuturing niyang biyaya at himala ang dalawang bata.

“I never thought I’d be one of them. You know.  Mothers who celebrate everything about their kids. Well...hahahaha! I’d like to greet my two heavenly blessings, my very own personal miracles Pepe and Pilar a happy, happy 1st monthsary! Kami kami lang, birthday celebration kami dito...,” banggit niya pa sa kanyang Instagram post.

vuukle comment

CHOKOLEIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with