^

Pang Movies

Mga director na nagpipilit na mga artist sila, walang pag-asang maging box-office hit ang mga pelikula

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mga director na nagpipilit na mga artist sila, walang pag-asang maging box-office hit ang mga pelikula
Direk Erik

Tinamaan din ni Erik Matti ang tamang attitude. Sinabi niyang bagama’t mahalaga nga raw iyang mga international recognition, ang mas mahalaga ay gumawa tayo ng pelikula para sa ating local audience. Kasi may panahong may mga director na gumagawa ng pelikulang “trip” lang naman nila. Sila lang ang nasisiyahan sa pelikula nila. Ni hindi maipalabas sa sinehan ang pelikula. May gumawa pa ng pelikulang walong oras yata ang haba. Papaano namang kikita iyon?

Sino ang manonood ng sine nang maghapon na hindi sasakit ang ulo?

May panahong may mga director na walang ginawang pelikula kung ‘di tungkol sa male prostitution at buhay ng mga bakla, iyon daw kasi ang uso sa abroad. Eh dito may manonood ba noon? Wala kaming natatandaang gay film sa Pilipinas na naging hit, kahit na iyong mga indie film na todo na ang hubaran at sex na ipinakikita.

Pag-aralan natin ang audience ng pelikulang Pilipino. Ano ba ang gusto nilang mapanood? Kung alam natin kung ano ang gusto nilang mapanood, iyon naman ang gawin natin, after all tinatawag nga natin iyang pelikulang Pilipino. Kung hindi, edi tawagin na lang nating pelikulang pang-festival. Tutal naipapalabas lang naman sila sa sinehan kung may festival sila, na sila-sila lang din naman ang nanonood.

Matapos na ang isang pelikulang ginawa nila ay mag-flop din, nagising na sa katotohanan si Erik Matti na kailangang gumawa ng mga pelikulang gusto ng Pilipino, after all tanggapin natin ang katotohanan na lahat ng producers ng pelikula ay gusto rin namang kumita. Lahat din naman ng mga sinehan ay kailangang kumita. Ang mga artista, director, writer, at maski na ang crew ay kailangan din namang magkaroon ng hanapbuhay, eh mangyayari ba iyon kung lahat ng pelikula nila ay flop?

Itama natin ang direksiyon ng industriya. Tama na iyang pagti-trip na kayo ay artists, at ikinakatuwiran ninyong hindi ninyo kasalanan kung hindi maintindihan ng masa ang inyong form of art. Kung ganoon ang katuwiran ninyo, huwag din ninyong sisihin ang masa kung flop kayo.

Mga dayuhang artista mas ginagastusan ng mga Pinoy!

Meron na namang Koreanong artist na dumating sa bansa, at pinagkaguluhan ng fans. Hindi namin malaman kung bakit ang mga dayuhang iyan ang sinusuportahan ng mga kumpanyang Pilipino at hindi ang mga artistang Pilipino. Minsan iisipin mo rin, bakit ang kinukuha nilang mga modelo, lalo na iyong mga manggagawa ng underwear ay mga dayuhan na binabayaran pa nila nang mas malaki, kesa sa ang kunin na lang nila ay mga modelong Pilipino.

Ano ba talaga ang values natin? Pinababayaan na ba natin ang foreign invasion ng mga dayuhan sa industriya ng entertainment sa ating bansa? Binabanatan ang gobyerno dahil sa pagpasok sa Pilipinas ng mga manggagawang Tsino.

Eh bakit sa entertainment, nariyan ang mga Brazilian, Kano, Koreano, Tsino at kung anu-ano pang lahi pero pinapayagan ninyo?

Sinusubukang bumangon, Female star na laos na nagbabayad ng mga troll sa social media!

Pasimple lang, pero kumikilos ang trolls para “ibangon ang po­pularidad” ng isang female star na laos na ngayon. Talagang bumuo sila ng isang grupo ng trolls na kakampi nila para mag-post nang mag-post ng pabor sa kanila sa internet.

Ang social media, napakadaling i-manipulate talaga eh. Kukuha lang sila ng trolls na ang alam lang ay mag-share nang mag-share ok na sila eh. At magandang negosyo dahil ang budget daw isandaan bawa’t isang post.

vuukle comment

DIREK ERIK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with