^

Pang Movies

Zoren, tamang alalay muna sa mga anak

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Zoren, tamang alalay muna sa mga anak
Zoren Legaspi

Habang naghihintay si Zoren Legaspi ng next teleserye niya, nagiging parang P.A. or Personal Assistant siya ng kambal nila ni Carmina Villarroel na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Nasa studio si Zoren kapag may rehearsals ang kanyang kambal at pati na sa taping ng weekly talk show na Sarap, ‘Di Ba?

Nasa background lang si Zoren habang pinapanood niyang nagtatrabaho ang kanyang mga anak at ito rin daw ang nag-aasikaso ng mga dala ng mga ito kapag may taping at rehearsals.

Sinisiguro rin ni Zoren na prepared ang kambal dahil ayaw niyang maku-call ang attention ng mga ito dahil hindi maayos ang performance nila.

Proud na proud nga si Zoren sa kanyang twins na enjoy na enjoy sa pagpasok sa showbiz. Tama raw na sa GMA-7 nila pinapirma ang dalawa dahil lumalabas ang talents ng mga ito sa pag-perform at pagiging TV host.

Dating K-Pop all-girl group na Stellar nagsalita na sa isyung sexual exploitation

Nagsalita na ang ex-member ng na-disband na K-Pop all-girl group na Stellar tungkol sa pag-sexually exploit sa kanila ng mga taong nagpatakbo ng kanilang group.

Ayon sa interview ng ex-member na si Gayoung a.k.a. Kim Ga-young sa South Korean publication na Insight, nagugulat na lang daw sila sa mga pagpapa-sexy na pinapagawa sa kanila kapag nagsu-shoot sila ng music videos.

“There was a scene in which a member spills milk. The script said, ‘The character misses her ex-boyfriend; she tosses and turns in bed; she wakes up in the morning and drinks milk.’

“We thought, ‘Oh, she must be drinking milk because it’s the morning and she just woke up.’ So that member was filming the scene and drinking milk, and the director told her, ‘Try spilling some milk.’ She thought, ‘It must be because the character is exhausted,’ so she ended up spilling some of the milk.

“Later on, she realized that the scene could evoke a certain image, and she was extremely shocked and no longer drinks milk now because of that incident,” kuwento pa ni Gayoung.

Ilan din sa kanilang members daw ay umaayaw sa pinapagawang mga sexy scene, pero lagi raw silang tinatakot ng kanilang agency dahil may kontrata raw sila sa kanila.

Kabilang sa mga napilitang gawin ng mga member  ng Stellar ay ang pagsuot ng mga provocative attires at ang stripping game na promotional material tactics sa Facebook. Kapag maraming “likes” ang nakuha ng isang member, magpapakita raw ito ng isang body part.

Sumikat ang Stellar noong 2011 at naging big hit ang music video nila na Marionette dahil sa pagiging racy nito at hindi suitable sa mga minor.

Lea binigyan ng lakas ng loob ang mga nabu-bully

Isa sa mga naging vocal sa nag-viral na bullying video sa Ateneo de Manila Junior High School ay ang Tony Award-winning actress-singer na si Lea Salonga.

Being a parent herself, naniniwala si Lea na dapat ay mababantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak. Kung kinakailangan na sila na ang magbigay ng parusa rito para matuto at hindi ‘yung pinagtatakpan pa nila ang mga pagkakamali nito.

At para naman daw sa school administration, sila ang dapat manguna sa pag­lutas ng problema sa bullying ng ilang students. Regardless kung mayaman at may pangalan ang pamilya ng batang nang-bully ng kanyang classmate, dapat ay agad nila itong binigyan ng disciplinary action at hindi iyong pilit pa nilang tinatago ang totoong nangyari.

At para sa mga biktima ng bullying, ini-encourage sila ni Lea na magsalita at lumaban. Laban na dinedepensahan nila ang kanilang sarili at hindi ‘yung sila pa ang nagsisimula ng away.

Naniniwala si Lea na marami pang bullying videos na lalabas at nakakakungkot lang isipin na nangyayari ito sa isang lugar kung saan dapat safe na nag-aaral ang mga bata, pero nahahaluan ito ng takot dahil sa mga school bullies.

vuukle comment

ZOREN LEGASPI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with