^

Pang Movies

Piolo dumaan sa mid-life crisis

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Piolo dumaan sa mid-life crisis
Piolo Pascual

Ayon kay Piolo Pascual, walang-wala na sa isip niya ngayon ang mag-quit sa showbiz na talagang ikinunsidera na niya noon, when he was turning 40 (he’s 41 now).

“I wanted to quit before because  burnt out, eh, sobrang pagod, wala ka nang oras sa sarili mo. I was turning 40 back then,” pahayag ni Piolo sa press launch ng bago niyang ine-endorse na MegaPro Plus and MegaSound Karaoke System with Wacky Kiray.

Nasa mid-life crisis daw siya ng mga panahong iyon.

“Iniisip mo kung ano ba ‘yung worth ng buhay mo and I was really going through something that time. Gusto ko lang malaman kung saan ako pupunta, you know. Mid-life ‘yun, eh. Talagang crossroads sa akin ‘yun. I thought I wanted to quit.”

Two years ago pa raw nangyari ‘yun and what happened was pinapirma siya ulit ng kontrata ng ABS-CBN at hindi siya pinayagang mag-quit.

“Hindi ako pinayagan, eh. Hindi ako pinayagan ni Lord, hindi ako pinayagan ng ABS-CBN. So, mahirap din ‘yun, I went through it for six months. It was so hard for me that’s why I went on a vacation for 3 months just to really see kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko, kung tapos na ba ako sa showbiz.

“And I realized na hindi pa naman siguro. It was humbling for me to accept the fact na hindi pa ako tapos sa ginagawa ko.

“So, now, hindi na siya (ang mag-quit) sumasagi sa isip ko but I feel more inclined towards doing something else, not just really focusing on acting but also producing and partnering with other, let’s say, ‘yung magagandang pwedeng maging content. With ABS-CBN kasi, they are more open now for parnetships in terms of content production and ‘yung mga gusto nating ilabas.

“So mas malaki na ‘yung playing field natin and I’m able to explore more and do more with the given opportunities,” sey ni Papa P.

Zanjoe reregaluhan ng bakasyon ang sarili

Zanjoe Marudo will turn a year older on July 23 at wala raw siyang selebrasyon dahil sa araw na ‘yun ay may taping siya plus premiere night pa ng pelikula nila ni Empoy Marquez na Kusina Kings.

“Mayroon yata kaming dalawang premiere nights. So, hindi ako makakapag-celebrate ngayon ng birthday ko,” sabi ni Zanjoe nang makatsikahan namin sa presscon ng Kusina Kings na ginanap kahapon, July 14.

Pero kung may time siya, paano niya gustong i-celebrate ang kanyang kaarawan?

“Naghahanap ako ng break na pwede kahit mga 5 days lang, at least, makapagbakasyon.”

Hindi pa raw niya alam kung saang lugar, dahil hindi pa rin naman daw niya alam kung papayagan siya ng ABS-CBN.

“Siguro out of the country o dito lang sa Pilipinas,” he said.

Nagpapasalamat si Z (tawag kay Zanjoe) dahil sobrang dami raw ng blessings na dumating sa kanya itong taong ito at wala na raw siyang ina-aspire pa for this year.

Showing na ang Kusina King sa July 25 mula mula sa direksyon ni Victor Villanueva na siya ring nagdirek ng criticically-acclaimed 2016 film, Patay na si Hesus.

Kasama rin sa movie sina Nathalie Hart, Ryan Bang, Maxine Medina, Tiny Corpuz, Hyubs Azarcon, Jun Sabayton, Joma Labayen at No­nong Ballinan.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with