^

Pang Movies

Pia wala sa bokabularyo ang pag-aasawa

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Pia wala sa bokabularyo ang pag-aasawa
Pia Wurtzbach

Sa edad na 28 years old, wala pang balak si dating Miss Universe 2015, Pia Wurtzbach na lumagay sa tahimik. Ganundin ang kanyang nobyong si Marlon Stockinger na isang champion racer na nasa edad na 27 naman.

Pareho pa raw silang madaming pa­ngarap individually na gustong i-pursue.

Lalo na si Pia na may dalawang up­coming projects daw, isang serye at isang pelikula.

Parehong naging blockbusters ang mga pelikulang tinampukan niya, ang Gan­darrapiddo: The Revenger Squad kasama sina Vice Ganda at Da­niel Padilla na naging entry sa MMFF (Metro Manila Film Festival) 2017 at ang My Perfect You nila ni Gerald Anderson.

Mayor Joseph hindi aatras sa kalaban

Sino kaya ang mag-uuwi ng grand prize na 1 million pesos sa 32 kandidata ng Miss Manila 2018?

Bilang title holder, ang mananalo ay ire-represent ang lugar ng Maynila. Siyempre, gagawaran din ng korona ng executive committee ang kandidata na nagtatag­lay ng mga katangiang may likas na ganda, empo­werment, personality social awareness, mabait, matulungin at environmental friendly.

Nasa ika-limang taon na ang event na ito ng Miss Manila bilang selebrasyon ng Araw ng Maynila na gaganapin sa June 24, at siyempre para makalikom na rin kahit papaano ng pondo para sa MARE Foundation, isang charity organization na pinumumunuan ni Ms. Jackie Ejercito. Layunin nito na makatulong sa mga mahihirap na Manileños, lalo na sa mga matatanda at mga may sakit.

Pangungunahan ni Former President at nga­yon ay Mayor na ng lungsod ng Maynila, Joseph Ejercito Estrada ang coronation night ng nasabing event na  gaganapin sa June 26, 8pm, sa Philippine International Convention Center (PICC), Reception Hall.

Ang Viva Live ang magpo-produce nito.

Sa July 1 naman ito mapapanood sa ABS-CBN’s Sunday’s Best, pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.

Samantala, nag-announced na ng pagtakbo sa darating na eleksiyon para sa ikatlong termino bilang Mayor ng Maynila si Mayor Joseph sa presscon ng Miss Manila 2018 kamakailan lang.

Kaka-81 lang niya noong April 19 at ‘di makakaila na malakas pa rin siyang tingnan at mahal pa rin siya ng mga Manileño.

Tatakbo rin daw ang kanyang anak na si Jinggoy Estrada for se­nator uli.

Mga anak ni Bistek sa una kanya-kanya na

Dalaga na Salve A., ang anak na babae ni Quezon City Mayor Herbert Bautista kay Tates Gana.

Twenty two years old na si Atasha, na nag-iisang anak na babae pala ni Mayor Bistek.

Anak din nina Mayor Herbert at Tates si Harvey na 14 years old na ngayon, dati siyang napapanood sa youth gag show na Goin’ Bulilit, pero kinailangan na rin niyang magpaalam sa nasabing show dahil sa policy nila na kapag nag-13 na ay hindi na puwede.

Ang isa pang anak ni Mayor Bistek sa isang TV producer na ngayon ay professor na sa isang kilalang university sa Taguig, at nag-aral ng filmmaking sa isang university sa abroad na si Race ay ginagamit ang apelyido ng nanay nito na Matias.

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with