^

Pang Movies

Juday may hangover pa sa Santo Papa

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Juday may hangover pa sa Santo Papa
Ryan & Juday

Now guess who was able not to visit the Vatican City at makita in person as well si Pope Francis.

Walang iba kung hindi ang mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na nagdiwang ng kanilang ika-9th aniversary sa Europe. The couple had the chance din na ma-meet ang ilang Filipino nuns, stationed in the Vatican City. Ipinag­luto pa nga sila ni Juday.

Sa ngayon ay abala si Juday para sa seryeng ipoprodyus ng Dreamscape Television Entertainment, headed by Deo Edrinal.

Wala pa raw ideya si Judy Ann kung sinu-sino ang makakasama pa niyang ibang artista. O, kung sino ang magdidirek ng project.

“But I have an idea what my role is,” susog ni Judy Ann. “And I love it.”

Five years ago nang huling gumawa ng teleserye si Judy Ann, ang Huwag Ka Lang Mawawala, kung saan nakasama niya sina KC Concepcion, Tirso Cruz III at Sam Milby.

Last year, she appeared in a movie with Angelica Panganiban, Ang Dalawang Mrs, Reyes, produced by Star Cinema and directed by Jun Lana.

Andrew pipiliting maka-graduate ng college!

Hindi pinapangarap ni Andrew Muhlach na maging sikat at accomplished na aktor tulad ng kanyang kuya na si Aga Muhlach. For him, sapat nang identified siya bilang nakababatang kapatid ni Aga.

Featured ang young actor sa barkada film na Squad Goals #FBOIS ng Viva Films kasama sina Julian Trono, Vitto Marquez, Jack Reid at Daniel Huschka.

Maganda ang role niya sa pelikula na kanyang nagampanan ng naaayon, ayon mismo sa direktor nila na si Mark Meily.

Kung sabagay, his role daw sa Squad Goals ay madali lang para sa kanya. Gumaganap siya bilang prankster na talagang siya sa tunay na buhay. Likas daw sa kanya ang pagiging masayahin, mapagbiro at pagiging pa­lakaibigan. Asset daw niya ang pagkakaroon ng smiling face at well-toned body.

Anong payo ang ibinigay sa kanya ng kanyang kuya Aga?

“To do well in being an actor. Although, pangarap niya rin sa akin na huwag pabayaan ang aking pag-aaral,” sagot ni Andrew.

If plans do not miscarry, according to Andrew, he will be able to finish his entrepreneurship studies at the San Beda University next year.

Plano raw kasi ni Andrew na magtayo ng restaurant business.

Angeline pangarap dalhin ang buong pamilya sa Vatican

Dream ni Angeline Quinto na makaipon ng sapat na halaga para matupad ang pangarap niyang maipasyal sa Europe, hindi lang ang kanyang Mama Bob, kung hindi ang kanyang buong pamilya.

“Primarily the Vatican,” maliksing sagot niya. “Type naming mapasok ng Mama Bob ko ang St. Peter’s Basilica at Sistine Chapel.

“And I guess ng iba pa naming makakasama.”

Common knowledge na ang itinuturing ni Angeline na kanyang Mama Bob ay hindi niya tunay na ina. Ganun pa man, feel daw niya kung gaano siya nito kamahal bilang anak.

Very religious daw si Mama Bob na kanya namang namana. Deboto ng Black Nazarene si Angge at kinakaya niya ring umakyat sa karo sa tuwing pista nito.

Vina at Victor, malaki ang agwat

Seventeen years pala ang gap ng edad, well, in real life, nina Vina Morales at Victor Silayan na gumaganap na lovers sa trending series na Precious Hearts Presents Araw Gabi, topbilled by JM de Guzman at Barbie Imperial.

Victor is the grandson of foremost actor in his time, Vic Silayan.

vuukle comment

POPE FRANCIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with