Justin Bieber
Nagpaka-superhero pala Justin Bieber absuwelto sa pananapak sa Coachella!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - April 21, 2018 - 12:00am

Hindi raw kakasuhan ang Canadian popstar na si Justin Bieber sa pagsuntok niya sa isang lalaki sa naganap na Coachella Music Festival.

Ayon sa TMZ, sinuntok ni Bieber ang lalaki dahil nakita niyang sinasakal nito ang isang babae sa party.

Sa nagawang report, bigla na lang daw dumating ang lalake sa party at noong lumapit sa babae ay bigla itong sinakal. Lumalabas na dating magkarelasyon ang dalawa at gustong makaganti ng lalake.

Noong makita sila ni Justin at ng mga kaibigan nito, sinabihan nila ang lalaki na bitawan ang babae. Pero nanlaban pa raw ang lalake at minura pa niya ang singer. Kaya para mabitawan ng lalake ang babae, sinuntok siya ni Bieber.

Pagkatapos ng imbestigasyon, hindi nag-press ng charges ang lalaki kay Bieber sa pagsuntok sa kanya. Kahit na ang babae ay walang isasampa na reklamo sa pagsakal sa kanya ng lalake.

Kaya case closed na ito ayon sa police.

Drama actor malaki ang nawalang datung sa mayamang girlfriend!

Kinalasan na raw ng drama actor ang kanyang non-showbiz girlfriend na galing daw sa isang de Buena de familia.

Hindi na raw niya kinaya ang sabayan ang pagiging magastos ng kanyang ex-girlfriend. Lalo pa ngayon at paisa-isa lang ang projects na dumarating sa kanya.

Mahilig pa naman mag-travel sa kung saan-saan ang ex-girlfriend niya. Kapag naglambing daw ito sa kanya, wala siyang choice kung hindi sumunod dito. Kaya kahit expensive ang trip nito, push lang nang push ang drama actor.

Ilang beses silang nag-out-of-the-country at tuwing nagpapabili ito ng mamahaling sapatos at bag, binibili niya agad-agad.

Pero ‘yun ay noong may regular show pa si drama actor. Bigla kasing tsinugi ang character niya sa nilalabasan niyang serye. Hindi naman daw siya nabigyan agad ng bagong kapalit at wala naman daw itong makuhang raket sa labas dahil kailangan ng approval ng management.

Na-stress tuloy ang drama actor dahil sa paparating na mga bills na kaila­ngan niyang bayaran sa kanyang credit cards.

Pinagsabihan na si drama actor ng mga kaibigan niya masyadong na i-spoil ang girlfriend nito. At huwag siyang makipag-compete sa yaman ng pamilya nito. Siya pa rin ang matatalo dahil wala siyang ibang means ng pagkakakitaan kundi ang pag-aartista.

Kaya walang choice si drama actor kung hindi kalasan ang kanyang maluhong girlfriend or else mababaon siya sa utang.

 

JUSTIN BIEBER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with