Juancho
Juancho sanay na sanay maging panggulo
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - April 12, 2018 - 9:43pm

Nasanay na raw na maging third wheel sa teleserye ang Kapuso hunk na si Juancho Trivino.

Sa upcoming romantic-comedy primetime series ng GMA-7 na Inday Will Always Love You ay siya ang magiging love triangle sa tambalan nila Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

Sa interview ni Juancho, ang character ay hindi ‘yung tipong boyfriend material kundi nape-friendzone parati.

“Hindi mo talaga siya makikita as a boyfriend, parang nasa friendzone. An ideal friend na he can be the right choice, but he’s not what Barbie wants in her heart. “’Yung last show ko ay ganito din. Actually, this is my second show in a row na I’ll be doing a third party role, and medyo gusto kong gawing different from Destined To Be Yours,” sey ni Juancho.

Benjamin ayaw magbantay kay Julie Anne

Full support si Benjamin Alves sa pakikipagtambal ng girlfriend niyang si Julie Anne San Jose kina Gil Cuerva at Kiko Estrada sa teleserye na My Guitar Princess.

Naniniwala raw si Benjamin sa kakayahan ni Julie at mapagkakatiwalaan niya ang mga leading men nito. Hindi raw siya yung tipo ng boyfriend na umaaligid at nagbabantay sa kanyang girlfriend.

 Pareho silang magiging busy ni Julie sa kani-kanilang teleserye. Nasa cast naman si Benjamin ng Karibal Ko Ang Aking Ina with Sunshine Cruz and Bea Binene.

Pero hindi naman daw hadlang ang trabaho nila sa paminsan-minsan nilang pagde-date.

Jennifer Lawrence maingat ang hawak sa mga kinikitang milyones

Dahil siya ang highest-paid actress sa Hollywood for two consecutive years, maingat siya sa kanyang mga kinikitang milyones.

Isa sa nakitang lucrative investment ng aktres ay ang real estate kaya nakapagpundar na ito ng limang bahay.

Ayon sa Forbes, may estimate na worth si Jennifer na $46 million.

Kelan lang ay nabenta na ng aktres ang kanyang starter condo sa Santa Monica, California sa halagang $1.15 million. Nabili lang niya iyon for $280,000.

May nabili rin si Jennifer na isang two-bedroom, two-and-a-half-bathroom townhouse for $879,000 noong 2006, six years bago siya manalo ng Oscar para sa pelikulang Silver Linings Playbook in 2012.

Noong 2014, nabili ni Jennifer ang isang 5,550-square-foot, five-bedroom residence in Beverly Hills na may gym, gourmet kitchen and koi pond.

Nag-i-invest din ng properties si Jennifer sa Manhattan, New York at kelan lang ay na-purchase niya ang isang duplex penthouse sa Tribeca na ang presyo ay $17.49 million.

JUANCHO TRIVINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with