^

Pang Movies

Top grosser sa MMFF tukoy na!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Noong araw mismo ng Pasko, napansin namin nang madaan kami sa isang mall na sarado pa ang sinehan ay may nakapila na sa takilya. Nakakatuwa, ibig sabihin ay nagbalik ang pananabik ng publiko sa pelikulang Pilipino. Noong nakaraang taon, tanghali na makikita mo nakapangalumbaba pa ang mga takilyera.

Wala pang opisyal na report ang MMDA pero may usap-usapan na kung anong pelikula ang top grosser sa pagtatapos ng unang araw. Mas mabuti ngang hintayin natin ang official announcement.

Malaki ang pagbabago ng festival ngayon.

“Magaganda kasi ang pelikula. Honestly, hindi ko pa naman napapanood lahat, pero sa feedback na narinig ko, magaganda halos lahat. Alam mo naman ang Vilmanians, sinasabihan ko ang mga iyan na suportahan lahat ng pelikulang Pilipino at ginagawa naman nila. Sa kanila ko nakukuha ang feedback kung ano nga ba ang pelikula. Iyang mga ‘yan, sanay na. Isipin mo nga bata pa ako nanonood na ng sine ang mga Vilmanians, kaya definitely alam nila ang matinong pelikula.

“Iyon naman ang sinasabi namin eh. Tama na ang pelikula ay dapat na maging educational. Tama na ang pelikula ay maging daan ng self at artistic expression. Pero dapat iniisip din naman natin kung sino ba ang mga taong manonood sa atin. Dapat iniisip din natin na kung gumagawa tayo ng pelikula para sa kanila, siguruhin naman nating magugustuhan nila ang mga pelikulang ginagawa natin. Puwede naman tayong gumawa ng pelikula na magugustuhan lang natin, pero huwag tayong umasa ng suporta ng publiko. Kung gusto natin iyong mga pelikulang dinudumog ng fans, gawin natin iyong masisiyahan ang mga fans.

“Halimbawa ako, mapili ako sa pelikula, pero iniisip ko rin, para sa Vilmanians iyan. Kaya nasa isip ko rin ang tanong kung magugustuhan ba ng fans ko ang gagawin kong pelikula. Kailangan isipin ko rin, kikita naman kaya kahit na papaano ang producers ng pelikula ko. Kailangan alalahanin ko rin ang mga sinehan na maglalabas ng pelikula ko. Kasi lahat naman tayo bahagi ng isang industriya. Hindi tayo magkakalaban. Hindi naman natin ginigipit ang isa’t isa. Nagtutulungan tayo,” sabi ni Congresswoman Vilma Santos na member ng execom ng MMFF sa taong ito.

Ellen at John Lloyd naghahanda sa kanilang pamilya?!

Nag-post ng isang picture si Ellen Adarna sa kanyang Instagram account noong mismong araw ng Pasko na magkasama silang dalawa ni John Lloyd Cruz. Wala pa silang opisyal na pag-amin sa kanilang relasyon. Wala pa ring nagsasalita sino man sa kanilang dalawa sa usap-usapang buntis na nga si Ellen at si John Lloyd ang ama, pero sa mga nangyayari sa kanila na ino-open naman nila sa social media, maliwanag na ngang totoo ang mga usapan.

Walang masama sa kanilang relasyon. Tanggap naman nila ang isa’t isa, meaning pati ang kanilang mga nakaraan, na sigu­ro naman masasabing aware sila pareho, ay tanggap nila. Kung hindi bakit nga ba mauuwi sila sa ganyang klaseng relasyon?

Hindi na rin naman sila mga bata na kailangan pang pakialaman ang buhay. Nasa tamang edad na sila at alam na nila kung ano ang dapat maging kalagayan sa buhay. Siguro nga pinaghahandaan na nila ngayon ang mga pagbabagong maaaring idulot nang kanilang pagsasama, pero walang pakialam ang kahit na sino kung papaano nila gustong ayusin ang kanilang buhay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with