Aicelle at Sinon pang-balanse ni Kris
Joe Barrameda (Pang-masa) - May 5, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Malapit nang magsimula ang pagbibidahang serye ni Kris Bernal na Impostora, at makakasama niya rito ang Rock N Soul Diva na si Aicelle Santos at ang King of Catwalk na si Sinon Loresca.

Dahil sa bigat ng kwento ng Impostora, tinanong ang cast kung paano nila dinadala ang bawat eksena. Marami sa kanilang nagkasundo sa sagot na dahil kina Aicelle at Sinon ay gumagaan ang pakiramdam sa set. Kung madadrama ang eksena ni Kris, asahang sina Aicelle at Sinon ang magpapatawa sa Kapuso viewers.

Inaabangan na rin kung ano ang karakter ng dalawa sa serye bukod sa pagiging comic relief ng mga ito. Exciting din dahil darami na ang makakakita sa galing ni Aicelle sa pagpapatawa, na una niyang pinatunayan sa teatro nang magbida sa Rak of Aegis.

Paano pa kaya kung magkasama sila ng comedy actor din na si Sinon? 

Marian relate sa mga OFW

Matapos ang matagumpay niyang morning show na Yan ang Morning, nagbabalik ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes bilang host sa isang OFW-themed weekly anthology na pinamagatang Tadhana.

Dito ay masasaksihan ng mga viewers ang iba’t ibang nakaka-inspire na kwento ng mga kababayan nating nagsisikap sa abroad. Para kay Marian, malapit sa puso niya ang kwento ng mga OFW dahil minsan ding naging OFW ang kanyang ina. Tuloy na tuloy na nga ang pagbabalik ng one and only queen sa telebisyon dahil sunud-sunod ang mga proyekto niya sa Kapuso Network. 

KRIS BERNAL
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with