^

Pang Movies

Charice nakikitira na lang sa fan, break na sa GF na ka-live in?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Charice nakikitira na lang sa fan, break na sa GF na ka-live in?!
Alyssa at Charice

Nakikitira diumano ngayon si Charice Pempengco sa bahay ng kanyang fan sa Laguna matapos silang maghiwalay ng kanyang girlfriend na ka-live in na si Alyssa Quijano.

Yup, ayon sa isang source, hiwalay na raw ang mag-dyowa more than a week ago na.

Hindi lingid sa fans na nagsasama na sila sa Laguna matapos magladlad si Charice ng kanyang pagiging tibo noong 2013. “Opo, tomboy po ako,” deklara niya noon.

Naudlot ang international career ni Charice noon matapos ang nasabing pag-amin.

Nagkaroon din siya ng small role sa Glee at may sumikat na kanta.

Hindi lang alam ng source ang cause ng kanilang hiwalayan pero may duda itong may kaugnayan sa datung.

Nagplano dati ang magkarelasyon na magpakasal at magka-baby na rin.

Maaalalang kontra rin ang nanay at lola ni Charice sa naging relasyon nila.

CHARICE PEMPENGCO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with