Barbie kilig na kilig sa apat na lalaki
MANILA, Philippines - Pinaghalu-halong emosyon ang nararamdaman namin pagpatak ng alas-nuwebe ng gabi dahil oras na naman para subaybayan ang pinakabagong kilig series sa GMA primetime na Meant To Be.
Pinagsama-samang saya, kilig, at excitement kasi ang dala nina Barbie Forteza, Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj, Ivan Dorschner, at Mika Dela Cruz sa aming mga viewer lalo na kapag inaasar ng apat na Kapuso leading men si Barbie.
Hindi namin mapigilang matuwa sa reunion ng Triplets na sina Manilyn Reynes, Sheryl Cruz at Tina Paner.
Isama mo pa ang good vibes performances nina Keempee de Leon, Ms. Gloria Romero, Sef Cadayona, Zymic Jaranilla, at Stephanie Sol.
Hindi na kami magugulat talaga sa balitang natanggap namin na umaarangkada pa rin ang Meant To Be pagdating sa TV ratings dahil gabi-gabi, trending din ito sa social media tulad ng Twitter at Instagram. Napakahusay ng gawang ito ng Kapuso network.
- Latest