^

Pang Movies

Benjamin iuuwi na si Julie Anne sa pamilya

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kung ang mga chinito eyes ang unang napansin ni Julie Anne San Jose sa rumored boyfriend niyang si Benjamin Alves, si Benjamin naman ay ang magandang lips ni Julie ang unang nakaagaw ng kanyang pansin.

Noong magsama raw sila ni Julie Anne sa isang workshop para sa teleseryeng Pinulot Ka Lang Sa Lupa, ang lips daw nito ang unang napansin ni Benjamin.

“Hindi lang ang lips ni Julie, pati ang eyes niya.

“Doon talaga ako tumingin. Parehong maganda. They bring out the best in her,” ngiti pa niya.

Gusto na ngang ipakilala ni Benjamin si Julie sa kanyang pamilya. Pero nasa Guam ang buong pamilya nito. Naipakilala na kasi siya sa pamilya ni Julie.

Nangako ang Kapuso hunk na once na meron na siyang natagpuang babae na mamahalin, ipakikilala na niya ito sa kanyang family.

“Everything happens on the right time.

“My family is not here but they are very excited to meet her.

“I share pictures with them a lot, so alam naman nila ‘yung nangyayari with me and Julie.

“They get to communicate naman kay Mommy, so we’re good.”

Nabanggit pa ni Julie na kapag kasama niya si Benj ay safe ang pakiramdam niya. Natuwa naman si Benj dahil simula noong makilala niya si Julie, feeling niya ay kailangan niyang alagaan ito nang husto.

“I just tell her what a great person she is and I always like to see her smile,” pagtapos pa ni Benjamin.

Sen. Manny papalagan sa ring ang MMA star na si McGregor

Paghahandaan daw ni WBO welterweight world champion at Senator Manny Pacquiao ang pagharap sa boxing ring sa mixed martial arts star na si Conor McGregor kung hindi raw matuloy ang pakikipaglaban ni Floyd Mayweather, Jr. dito.

“If McGregor will fight me in boxing, why not? But not in MMA.

“MMA is much different than boxing.

“The fight can be at the 140-pound weight division. My normal weight when I’m not on training is just 141 or 142 pounds,” diin pa ni Pacman.

Kapwa gustong makalaban nina Pacquiao at McGregor si Mayweather na nagretiro na nga sa pagboboksing.

Gusto ni Pacman na magkaroon ng pagkakataong matalo ito sa boxing ring. Natalo kasi siya ni Mayweather noong 2015.

Si McGregor naman ay may hawak na dalawang titulo sa UFC (Ultimate Fighting Championship) in two weight divisions. Gusto nga raw nitong makaharap sa isang laban si Mayweather.

Nakakuha na ng boxing license si McGregor sa California noong nakaraang taon. Kaya handa siyang makipaglaban sa boxing ring.

Inoperan na raw si Mayweather ng $25 million plus a cut of pay-per-view proceeds para lang lumaban ito kay McGregor. Pero tinurn down ito ni Mayweather.

Miley Cyrus, Scarlett Johansson, at Madonna nakiisa sa Women’s March

Naging matagumpay ang naganap na Women’s March sa Washington D.C. noon nakaraang January 20. Ito ay pagtitipon ng mga kababaihan para ipaglaban ang kanilang rights and equality.

Kabilang sa mga big celebrities na sumali sa Women’s March ay sina Amy Schumer, Miley Cyrus, Helen Mirren, Blake Lively, America Ferrera, Scarlett Johansson, at Madonna.

Nag-post pa si Madonna ng isang mahabang mensahe sa kanyang Instagram account tungkol sa kanyang pakikiisa sa maraming kababaihan na naki-march sa kanila, hindi lang sa Washington D.C. kundi pati sa Los Angeles, Chicago, and New York City.

vuukle comment

BENJAMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with