^

Pang Movies

Puntod ni Kuya Germs patok sa fans!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hanggang ngayon, makikita pa rin ang popularidad at ang pagmamahal ng fans kay Kuya Germs. Sinasabi kasi nila, siguro matagal na panahon ang lilipas bago may matawag ulit na Master Showman. Hindi na kasi nangyayari ngayon ang may nakakapag-build up talaga ng ganoon karaming mga artista, at nakakapag-develop ng ganoon karaming talent.

Naikuwento ng isa naming kaibigan na may dinalaw na mahal sa buhay doon sa isang memorial park sa Marikina, na ang usapan daw doon, ang maraming taong dumadaan ay ang puntod ng master showman. Ito ang unang Undas na naroroon ang mga labi ni Kuya Germs. Noong nakaraang taon, naroroon pa siya para magbigay galang sa kanyang mga magulang at mga kapatid na naunang yumao. Ngayon, kasama na nila siya.

Ikinukuwento nga rin daw ng mga nagtatrabaho roon na marami ang nagtatanong sa kanila, “saan ang libingan ni Kuya Germs”. To think na marami namang iba pang mga artista ang nakalibing din sa nasabing memorial park.

Pero may mga nagsasabi nga na sana sa December, kung kailan nakaugalian na ni Kuya Germs na magdagdag ng stars sa sinimulan niyang Walk of Fame Philippines, bigyan naman siya ng pagkilala at parangal doon din mismo sa Walk of Fame, sa paglalagay ng kanyang sariling star. Noong panahong nabubuhay pa siya, tumatanggi si Kuya Germs basta sinasabing dapat may star na rin siya sa Walk of Fame. Sinasabi niyang ginawa niya iyon para parangalan ang mga kapwa niya artista, hindi siya. Pero ngayon naman, palagay namin dapat lang na lagyan na ng star si Kuya Germs doon.

Utol ni Ara proud na proud sa relasyon kay Sunshine!

Inamin ni Macky Mathay na may relasyon na sila ng aktres na si Sunshine Cruz. Si Macky ay kapatid sa ama ni Ara Mina, na sinasabing siyang nagpakilala sa dalawa. Sinasabing hiwalay na rin si Macky sa kanyang asawa.

Ayon sa panayam ni Macky sa PEP.ph, siya ang naunang nagparamdam kay Sunshine sa pamamagitan ng pagmi-message ng “Hi” sa aktres sa social media. Sinabi raw nitong siya ay kapatid ni Ara at pagkatapos noon ay lumalim na nga ang kanilang ugnayan.

Nang tanungin si Macky kung talaga bang sila na ni Sunshine, agad ito sumagot ng: “Yes. Yes. Yes. Gusto mo sa ibang dialect pa? Yes. Oo.”

Sinagot daw ni Sunshine si Macky noon pang September 18.

Narco list ng mga artista hindi na ilalabas?!

Mukhang naintindihan naman ng gobyerno ang stand ng mga artista. Hindi sila masigasig sa paglalabas ng narco list ng celebrities. Ok lang naman iyon. Nagboboluntaryo na naman sa drug test ang mga star.

 

 

 

KUYA GERMS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with