Jake inialay sa kanyang âprinsesaâ ang unang acting award!
Jake Ejercito
Jake inialay sa kanyang ‘prinsesa’ ang unang acting award!
- Ed de Leon (Pang-masa) - October 25, 2016 - 12:00am

Matapos na matanggap ang kanyang unang acting award, na nakuha niya sa kanyang kaisa-isang television performance, inihandog ni Jake Ejercito ang karangalan kay Ellie, na tinawag niyang “my inspiration, my princess”. Hindi man diretsahan, parang inamin na rin niya sa ganoong statement na anak nga niya si Ellie na anak din ni Andi Eigenmann.

Matagal na panahong pinagtalunan  at sa buong panahon na iyon ay nadiin si Albie Casiño na siyang itinuturo ni Andi na tatay ng kanyang anak. Ganoon din naman ang sinasabi ng kanyang pamilya, hanggang kamakailan ay nadu­las nga ang kanyang kapatid sa ama na si Max Eigenmann, at sinabing talagang si Jake ang tatay ng kanyang anak.

Si Andi at ang kanyang pamilya ay tahimik pa rin tungkol sa lu­ma­bas na issue. Wala pa rin sa kanilang umaamin na si Jake nga ang tatay ng bata. Maging ang tiyahin ni Andi na si Cherie Gil ay tinalikurang bigla ang mga nag-iinterview sa kanya nang tanungin tungkol sa anak ni Andi, at idiniin niya na “si Andi ang tanungin ninyo”.

Sa parte naman ni Jake, nagsabi rin ang ermat niyang si Laarni Enriquez na hinihintay niyang si Andi mismo ang magsabi na si Jake nga ang ama ng kanyang anak, at iyon naman ay matatanggap niya. Ganoon pa man, sinabi niyang hindi updated ang tatay ni Jake na si Mayor Erap Estrada tungkol sa mga nangyayari.

Sa takbo ng mga pangyayari, magiging malinaw nga lamang ang lahat kung aaminin na ni Andi na si Jake talaga ang tatay ng kanyang anak, pero kung gagawin niya iyon ay lalabas namang kung ilang panahon din niyang iniligaw ang paniniwala ng publiko. Kung aamin siya sa ngayon, maaaring maging batayan iyon ng isang reklamong legal ni Albie Casiño na nasira ang career dahil sa controversy. Bagama’t sinabi na naman ni Albie na tama na sa kanya na lumabas ang totoo, at wala siyang balak na magdemanda.

Julio Diaz ‘pinatay’

Ang daming bloggers na naglabas ng balita na yumao na raw ang actor na si Julio Diaz, kaya ang kuwento nga ng beteranong akor, nagising siya sa dami ng tumatawag at nagte-text na nagtatanong kung ano ang detalye ng kanyang kamatayan.

Nagsimula lang naman ang gulo sa isang post ng kapatid ni Julio na namatay ang kanyang kapatid na si Mariano Regaliza Jr., at iyon ay nagkaroon ng atake sa puso. Ang tinutukoy pala nito ay isang nakababatang kapatid niya sa ama na nagkataong kapangalan din niya. Pero dahil una nga siyang nabalitang na-stroke noon, inisip agad ng nakakita na siya iyon.

Kahit wala pang verification ay inilabas iyon agad sa Internet at ginaya naman ng iba pang mga bloggers.

Mabuti na lang at hindi pikon si Julio. Tinawanan na lang niya ang mga kumalat na balita. Iyan ang sinasabi naming kaibahan ng dyaryo. Hindi kasi naglalabas ang dyaryo ng mga kuwentong hindi sigurado. Eh ang mga nasa online, nag-uunahan kaya kadalasan ay nakukuryente.

Kaduda-duda sa Clark pa sumakay, aktres na walang trabaho mag-iikot sa Asya!

Umalis ang isang female star noong isang araw. Nakita siya ng aming source sa Macapagal International Airport sa Clark. Mukhang may mga lakad siya sa abroad at sinasabi nga raw noon na magtu-tour siya around Asia. Nakakagulat lang dahil nagtu-tour siya gayung matagal na rin siyang walang assignment.

 

JAKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with