^

Pang Movies

Alex at Marco may ‘second chance’

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Kasabay ng pag-launch ng kanyang second book, after Dear Alex, Break Na Kami. Paano?! Love Catherine, titled Dear Alex, We’re Dating. Tama, Mali?! Love Catherine, ay ang pag-announce rin ni Alex Gonzaga, na may bago siyang gagawing movie, ang The Rebound, kasama si Joseph Marco.

Pangalawang team up na nila ang Regal Entertainment movie dahil nauna silang nagtambal sa seryeng Pure Love.

Habang wala munang ginawang project si Alex, Joseph was featured in a special role sa katatapos na top and well-loved teleserye, Dolce Amore, which Liza Soberano and Enrique Gil top billed.

Bago ang Dolce Amore, nakasama si Joseph sa Tagalog adaptation ng Korean novela na Pasion de Amor, co-starring him with Jake Cuenca at Ejay Falcon.

Nasa cast din sina Coleen Garcia, Arci Muñoz, Elen Adarna and Te­resa Loyzaga.

Suma-sideline, Matteo waiter sa Cebu

Kapag nasa kanyang home place na Cebu si Matteo Guidicelli, naghahanap daw talaga siya ng oras para makapag-serve bilang waiter sa kanyang Italian restaurant na Trattoria Da Gianni, na ang ibig sabihin pala ay “maliit na kainan na pag-aari ni Gianni”.

Gianni ang pangalan ng late granddad ni Matteo na isang Italian. The restaurant serves only Italian food.

It was his lolo’s dream, according to Matteo, na mabisita ng apo ang Italy. Na na-realize ni Matteo, when, together with Liza Soberano, Enrique Gil and Cherrie Gil, shoot some scenes para sa katatapos na teleserye, Dolce Amore, where Matteo, for the first time, played a third wheel.

Binuksan ang restaurant noong March ng kasa­lukuyang taon.

Guess kung sino ang naging special guest ni Matteo during the eatery’s grand opening?

Walang iba kundi ang kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo.

Ang kapatid ni Matteo na si Georgia ang nagma-manage ng kanilang business.

Kathryn at Daniel nagmukhang mature sa pelikula

Wow, Salve A., kung sino man ang nag-make-up kay Kathryn Bernardo sa kanyang soon-to-be released movie na Barcelona: A Love Untold, dapat bigyan niya ng bonus at, kung posible, gawin siyang permanent personal make-up artist ni Kathryn.

Ibang-iba ang dating ni Kathryn sa mga ipinakikitang eksena sa teaser ng pelikula sa TV. ‘Di lang siya maganda kundi sexy pa.

Kung sabagay, “mamang-mama” na rin ang dating ni Daniel Padilla, na gumaguwapo rin. At tumatangkad din siya.

Pang-matinee idol talaga ang kanyang da­ting. Tulad ng kanyang Tito Robin Padilla noong kapanahunan nito.

Under Star Cinema ang Barcelona: A Love Untold at halos lahat ng eksena ay kinunan sa Barcelona, Spain. Idinirek ito ng award-winning at blockbuster director na si Olive Lamasan.

Robin hindi masasamahan sa panganganak si Mariel

Samantala, may blessing naman ni Robin ang nakatandang panga­nganak ni Mariel Rodriguez-Padilla sa U.S. Pakiusap daw kasi ito ng ama ni Mariel na isang American citizen.

Kahit pa hindi niya masasamahan si Mariel dahil sa isang legal problem na kinasangkutan ni Robin noong 2014 kung saan hindi siya maisyuhan ng U.S. visa ng American Embassy.

Baby boy ang panganay nina Robin at Mariel na ipanganganak sa November.

Iya handa nang umire

Baby boy din pala ang nakatakdang isilang ni Iya Villania anytime soon.

Gaya nina Robin at Mariel, unang anak din ito nina Iya at Drew Arellano, na may travel show sa Kapuso.

Gaya ni Mariel na hindi muna napapanood sa It’s Showtime da­hil naka-leave ito, hindi na rin muna mapapanood si Iya sa Chika Minute, which she anchors for the GMA-7 newscast, 24 Oras.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with