^

Pang Movies

Gladys tinatantanan na ang pagiging luka-luka sa pag-ibig

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Tinapos na raw ni Gladys Guevarra ang kanyang pagi­ging baliw sa pag-ibig.

Hindi naman pinagkakaila ng isa sa mga judge ng improvisational game show na Laff, Ca­mera, Action na luka-lukahan siya pagdating sa pag-ibig. Ngayon daw ay matino na siya dahil nagkakaedad na  siya.

“In fairness, nag-mature na ako when it comes to my emotions. Hindi na ako ‘yung kapag may boylet ako, nakakalimutan kong maging matino sa trabaho.

“I’ve changed at sana nakikita na ninyo iyon, ‘di ba?

“Tsaka may serious na non-showbiz boyfriend ako ngayon. He’s four years younger than me pero magkasundo kami. Pareho kaming business minded kaya nagkaroon kami ng negosyo kaagad. Car wash business ito and we’re doing good,” ayon pa sa 39-year old comedian.

Wala nga raw manager ngayon si Gladys at siya ang diretsong kinakausap.

“At least, kung magkamali man ako, wala akong sisisihin kundi sarili ko.

“Tsaka it’s better na ako na ang nagma-manage sa sarili ko. Para wala ring pressure sa ibang tao.

 “Kaya I feel blessed. Tapos may inspiration pa ako kaya thank you Lord!” pagtapos pa ni Gladys Guevarra.

Atak at Divine ginawang loveteam

Naging in-demand comedienne na ang baguhan na si Divine Aucina dahil bukod sa mga TV guestings ay may tinatapos pa siyang pelikula kung saan kasama niya ang Comedy Queen na si AiAi delas Alas.

Big break nga ni Divine ang paglabas niya sa isang episode ng Karelasyon at pagkatapos noon ay kinuha na siya para maging sidekick ni Eugene Domingo sa Dear Uge.

Ngayon ay nasa second season na ito at nabigyan pa si Divine ng ka-loveteam sa katauhan ng comedian na si Atak Araña.

Tinatapos nga ni Divine ang comedy film na The Mighty Yaya kung saan kasama niya si AiAi. Sa ilalim ito ng direksyon ni Jose Javier Reyes.

Kinatuwaan daw niya si Direk Joey pagkatapos nilang magkasama sa pelikulang My Bebe Love noong nakaraang taon.

Rakistang si Alanis Morisette ninakawan ng sariling manager

Dinemanda ng rocker na si Alanis Morisette ang kanyang dating business manager dahil sa pagnakaw nito ng higit sa $4.7 million mula sa kanyang savings.

Ayon pa sa Canadian-born singer, ang kanyang manager na si Jonathan Schwartz ay nag-cash transfer ng 116 times at umabot ito sa halaga na $4,767,900. Wala raw alam si Alanis dito. Ginawa ito ni Schwartz noong 2010 hanggang 2014.

Malaki ang kinita ni Alanis noong kasikatan nito noong ‘90s. Tuwing tatanungin daw niya ang kanyang manager kung kumusta na ang kanyang mga investments, panay sagot lang nito na “fantastic”.

‘Yun pala ay unti-unti na siyang pinagnanakawan at ngayon ay halos wala nang pera ang singer. Kaya sa kanyang lawsuit, dinemanda niya ito for theft and other malfeasance na nagkakahalaga ng $15 million.

Marami ngang tinanggihan si Alanis na mga shows, lalo na sa Las Vegas, dahil maayos naman daw ang finances niya at hindi na niya kailangan pa na magtrabaho ng sobra-sobra.

Pero dahil sa ginawa ng kanyang manager, pinaimbestigahan ito ni Alanis at nalaman niya na may lavish lifestyle na ito. Gumastos ito ng  $50,000 para sa kanyang bakasyon sa Pacific island of Bora Bora. At meron pa itong $75,000 debt from a casino in The Bahamas and “substantial” unpaid taxes.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with