^

Pang Movies

James isinuko ang pagiging party boy para kay Nadine

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ang ganda ng sagot ni James Reid nang tanungin siya ni Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda tungkol sa intriga na party boy siya at sa komento ng ibang netizens na hindi niya deserve si Nadine Lustre.

“I do love to party and I’ve had a long party streak. I get where the bad boy thing comes from, but maybe Nadine is just what I need,” sabi ni James na umani ng sigawan from the audience

“Can you hate me from wanting something that’s good?” dagdag pa ng young actor.

Natanong din si James tungkol sa ex-girlfriend niyang si Ericka Villongco na kamakailan lang ay na-bash ng JaDine fans.

“She actually approached Nadine because they still talk. So she was asking for help from Nadine.  And Nadine, she did, she tweeted to the fans, she appealed to the bashers to stop the hate and stop bashing.”

Para kay James, hindi raw siya nagpapaapekto sa mga basher.

“There’s not much you can do about it. For me, when it comes to bashers, I don’t even give a second thought to it.

“It doesn’t really get to me. I mean, because I rea­lly can’t please everyone. Nothing I say can... what I was saying can be the most tastiest peach in the world and there’ll be someone who hates peaches,” say pa ni James.

Nag-guest ang young actor sa TWBA para sa promo ng This Time movie nila ni Nadine under Viva Films na showing na ngayong May 4.

Sen. Grace hindi makalimutan ang mga pambu-bully dahil sa pagiging ampon

Bilang ampon ni Da King Fernando Poe, Jr. at Ms. Susan Roces, alam ni Sen. Grace Poe ang pinagdaraanan ng kanyang mga kapwang lumaki sa hindi tunay na mga magulang.

Nandyan ang pambu-bully sa school at kung anu-ano pang masamang karanasan dala ng pagiging ampon.

“‘Pag pumapasok ka sa school, sasabihin sa’yo: ‘Anak ka ba talaga ni FPJ? Bakit ang liit mo?’ O kaya ‘anak ka ba talaga ni Susan Roces? Bakit ganyan ang hitsura mo?’” sey ni Grace sa isang political rally sa Rosales, Pangasinan noong Lunes (Abril 25).

“Kaya bata pa lang ako, nakikita ko na para bang medyo iba. ‘Nung nalaman ko na (ampon ako), sabi ko pag-iigihan ko ang aking pag-aaral, magsisikap ako para mabigyan ko ng karangalan ang aking mga magulang,” dagdag pa ng senadora.

Anang katambal ni Sen. Chiz Escudero, lubos siyang nagpapasalamat at itinuring siyang tunay na anak ng Hari at Reyna ng Pelikulang Pilipino.

“Wala namang problema dahil ang aking nanay at tatay na si FPJ at Susan inalagaan ako at trinato akong tunay na anak. Hindi naman ako nagduda sa kanilang pagmamahal, binigay nila sa akin lahat ng oportunidad,” sey ni Grace.

Si Grace ay napulot sa simbahan ng Jaro, Iloilo noong Sept. 3, 1968. Marahil daw ina­bandona siya ng kaniyang mga tunay na magulang dahil sa kahirapan ng buhay.

Kaya pangako ni Grace kapag nahalal siyang pangulo, susugpuin niya ang kahira­pan upang hindi na mangyari sa iba ang kanyang malungkot na nakaraan, kung saan napipilitang maghiwalay ang mga pamilya dahil sa pagdarahop sa buhay

Dingdong times 10 ang saya kay Baby Zia

Sobrang proud father si Dingdong Dantes kay Baby Maria Letizia na five months old pa lang ay cover na ng YES Magazine for May issue at nag-shoot na ng first endorsement

“Siyempe, times 10 ang kasiyahan at pagiging proud father,” he said.

Sa endorsement shoot ni Zia (nickname ng baby nila ni Marian Rivera), siyempre ay nandu’n daw siya bilang stage father.

“Stage father ako,” natatawa niyang sabi, “siyempre, alalay, ‘di ba? ‘Pag med­yo napapagod na ng mga 5 minutes, ooops, pahinga muna.

“Hindi, biro lang. Ano naman, eh, ‘yung mga producers, sumusunod naman sila sa requirements ng DOLE na hanggang 4 hours lang talaga pupwede ang ganung klaseng edad ng sanggol,” he said.

Alam daw niyang marami pa silang tatahaking challenges bilang pamilya pero ang importante raw ay nandiyan sila bilang isang buong pamilya at nagmamahalan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with